^

Dr. Love

Mailap ang pag-ibig

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kumusta kayo at bumabati ako pati na sa mga marami ninyong tagasubaybay.

Pakitago na lang po ako sa pangalang Nardo, isang pedicap driver. Mababa lang kasi ang pinag-aralan ko at sa edad kong 24 ay hindi pa ako nakatapos ng high school.

Ito siguro ang dahilan kung bakit minsan lang ako nagka-girlfriend at palagi akong basted kapag nanligaw ako.

Mayroon akong nililigawan ngayon, itago na lang natin sa pangalang Rita. Noong kaibigan ko pa lang siya ay close kami at nagbibiruan. Pero nang ligawan ko na siya ay nag-iba na siya.

Sabi niya sa akin, ayaw niyang makapangasawa ng isang mahirap dahil mahirap din siya.

Ano kaya ang gagawin ko?

Nardo

Dear Nardo,

Siguro nga ay problema mo ang mababang pinag-aralan at ang maliit mong kinikita bilang pedicab driver.

Hindi mo masisisi ang babaeng liligawan mo kung biguin ka dahil tama namang isipin niya ang kanyang kinabukasan sa piling mo kung sakali.

Pero marami diyan na katulad mong mababa ang pinag-aralan pero sa pagsisikap ay umunlad ang kabuhayan.

Mag-isip ka ng negosyong bagay sa kakayahan mo. Mula sa kinikita mo sa pagpadyak, mag-impok ka at mag-isip ng negosyong hindi kailangan ang malaking puhunan. Puwedeng karinderia o tindahan kahit may maliit lang na puwesto sa iyong bahay.

Sa panahon ngayon, kahit empleyado ka pa ay hindi ka dapat umasa sa suweldo dahil sa hirap ng buhay. Mag-isip ka ng paraan para mapalago mo ang bawat pisong kinikita mo.

Dr. Love

 

vuukle comment

ANO

DEAR NARDO

DR. LOVE

KUMUSTA

LANG

MABABA

NARDO

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with