^

Dr. Love

Gusto nang mag-asawa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po ay ulilang lubos at ang nakagisnan kong magulang ay isang may edad nang tiyahin ng aking ina na matandang dalaga.

Naobserbahan ko po ang kalungkutan sa buhay ng aking naging ina-inahan. At hindi ko po nais na maging ganoon din ang aking buhay. Minsan ay naisip ko nang mag-asawa agad.

Nakatapos po ako ng high school at hindi na nakapag-kolehiyo dahil naging sakitin na ang aking ina-inahan, kailangan ko po siyang ala­gaan ng mabuti lalo na’t inaataje siya ng rayuma.

May nagkakagusto po sa akin, Dr. Love. Si Mang Domeng, isang balo. Pero hindi ko po siya gusto dahil may edad na siya at ang sabi ng aking ina-inahan ay naghahanap lang siya ng mag-aalaga sa kanya.

Huwag raw akong magmadali ng pag-aasawa dahil darating at darating sa buhay ko ang lala­king ukol para sa akin na mamahalin ko at magmamahal naman sa akin.

Maliit lang ang ginagalawan kong mundo. Bahay, palengke, simbahan at clinic kapag sinasamahan ko sa check-up ang aking ina-inahan. Paano nga ba ako makakatagpo ng lalaking iibigin ko? Naiisip ko rin po na mag-ampon na lang gaya ng ginawa ng aking ina-inahan.  Para kahit hindi ako makahanap ng mapapangasawa, matutupad ang pangarap kong maging ina. May posibilidad po bang matupad ang layunin kong ito?

Gumagalang,

Cely

Dear Cely,

Bata ka pa para mawalan ng pag-asa na makatagpo ng lalaking magmamahal sa iyo at mamahalin mo rin. Huwag mong hayaan na kontrolin ka ng takot dulot ng sitwasyong hindi pa nangyayari.

Tandaan mo na may takdang panahon para sa bawat pagkakataon. Sa ngayon ang pa­ngangailangan ng iyong naging ina-inahan ay pagkakataon mo para maibalik sa kanya ang pagkalinga niya sa iyo.

Sikapin mo na mapalawak ang iyong pakiki­pagkapwa. Sumali ka sa mga church works para ma-expose ka pa sa ibang kapaligiran. Subukan mo rin pag-aralan ang paggamit ng mga social networking site kung saan maaari kang maka­kilala ng mga kaibigan at prospect partner in life. Huwag mo rin kalimutan na magdasal lagi para magkaroon ka ng wastong gabay.

Dr. Love               

vuukle comment

AKING

DEAR CELY

DR. LOVE

HUWAG

INA

PARA

SI MANG DOMENG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with