^

Dr. Love

Pumatol sa may-asawa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isa po akong masugid na tagasubaybay ng inyong malaganap na column. Gusto ko pong big­yang-daan ang sinapit ng aking nakakatandang kapatid, na pumatol sa may-asawa dahil sa pag-ibig.

Naniwala ang ate ko na tunay ang pagmamahal sa kanya ng isang lalaki, na pamilyado na. At sa sobrang paniniwalang tunay ang sinasabi ng la­laki, nakumbinsi siyang bumili ng rights ng lupang pinaniwala sa kanya na pag-aari ng gobyerno, na kalaunan aniya ay maaaring ariin bilang beneficiary. Sa lote pong ito nagpatayo ng kanyang bahay ang kapatid ko.

Pero ang lahat ay nauwi sa matinding sama ng loob ng aking ate, dahil niloko lamang siya ng lalaki matapos mahuthutan. Nakasuhan pa ang kapatid ko dahil sa ilegal ang pagtatayo niya ng bahay sa napatunayang pribadong lote.

Bago pa man tuluyang matalo sa kaso si Ate ay unti-unti nang dumidistansiya si Nilo sa kanya. Nagpaalam ito sa kapatid ko na uuwi muna sa kanyang tunay na pamilya dahil nabuko na raw siya ng kanyang misis. At para maiiwas ang ate ko sa eskandalo ay pakakalmahin muna raw niya ang kanyang asawa.   

Naubos na pang-legal fee ang naitatabi niyang pera mula sa pinarerentahang mga kuwarto sa pinatayo niyang bahay, na tuluyang giniba.

Dito inatake ang kapatid ko at ngayon ay ina­alagaan naming magkakapatid. Awang-awa ako sa kapatid ko dahil sa sinapit niya. Sana magsilbing leksiyon ito sa mga inosenteng babae na napapaniwala sa matatamis na pangako ng lalaking nagkukunwaring tupa pero isa palang mabangis na asong gala.

Maraming salamat po sa pagbibigay daan ninyo­ sa liham kong ito.

Gumagalang,

Francia ng Bicolandia

Dear Francia,

Hindi dapat tayong nagbubulag-bulagan at nag­ bibingi-bingihan sa mga kahina-hinalang intensiyon ng taong nagkukunwaring mabait pero iba ang layunin, dahil lang sa mahal natin ang taong ito.

May mga bahagi ng kwento na nalalabuan ako. Gaya nang tungkol sa lupa. Maraming paraan para makumpirmang pribado ang isang lupa. At hindi ito basta mapapatayuan ng bahay sakaling tunay na may nagmamay-ari nito.

Magkagayunman, alam ng ate mo na pamil­yado ang lalaking pinakisamahan niya pero nana­tili siya sa pakikipagrelasyon. Sa sitwasyong ga­nito, laging babae ang talunan.

Maraming salamat sa pagtitiwala mo at siguradong kinapulutan ito ng aral ng ating mga readers.

Dr. Love

 

vuukle comment

AWANG

BICOLANDIA

DAHIL

DEAR FRANCIA

DR. LOVE

MARAMING

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with