Biktima ng guwapo
(The Philippine Star) - June 10, 2012 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Dalawa na po ang naging boyfriend ko na parehong mala-Dingdong Dantes ang porma. Pero walang nangyari sa aking relasyon sa kanila dahil hindi ko solo ang kanilang atensiyon.

Puro sama lang ng loob ang aking inabot sa panahong kami ay on.  Pareho silang banedoso, gusto ay laging sikat saan man kami pumunta. Gustong-gusto nila na hinahabol sila ng babae kahit mayroon na kaming relasyon.

Ako ang sinisisi ng aking kapatid dahil mahilig daw ako sa guwapo gayong pang­karaniwan lang naman ang aking itsura. Pero sexy naman po ako at pang-modelo ang appeal.

Dahil sa nadala na nga ako sa dala­wa kong nobyong parehong guwa­ping, iniwasan ko na muna ang makipagrelas­yon. Pero sa totoo lang hindi ko naman po ma-take na pangit ang magiging kapalaran ko sa buhay kahit ako’y maituturing “plain Jane” lang.

Payuhan mo po ako at maraming salamat.

Yours truly,

Raquel

Dear Raquel,

Hindi dapat sinusukat sa panlabas na batayan ang pagpasok sa isang relasyon. Maliban sa atraksiyon, pagtatangi nang may bugso ng pag-ibig ang dapat na maging batayan nito para magkaroon ng matatag na pundasyon.

Nang sa gayon, kung may pagsubok na darating ay may mapanghahawakan ka para maisalba ang relasyon. Gayunman, may natutunan ka naman siguro sa mga nagdaan mong pakikipag-boyfriend at sana ito ay hindi mo makalimutan. Para sa sandaling buksan mo uli ang sarili para makipag-commit muli ay maiiwas mo na ang sarili sa sakit ng kalooban. 

Marami ang nagsasabi na isang magandang pasimula ang pagiging magkaibigan sa pakikipagrelasyon. Subukan mo ito baka mag-click rin sa iyo. “God bless.”

DR. LOVE

AKO DAHIL DALAWA DEAR RAQUEL DINGDONG DANTES DR. LOVE GAYUNMAN GUSTONG MALIBAN PERO
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with