^

Dr. Love

Umibig sa teacher

-

Dear Dr. Love,

Bumabati muna ako sa iyo at sa mga sumusubaybay ng iyong malaganap na column.

Itago mo ako sa pangalang Timmy, isang high school student.

Pero iba ang naramdaman ko nang maging teacher ko si Miss. Rosales. Matanda siya ng limang taon sa akin.

Sa aming history class, wala ako sa sarili at laging nakatitig sa kanya.

Hanggang pinadalhan ko siya ng love letter na minasama pala niya. Isinumbong ako sa principal at pinadadala sa akin sa eskuwela ang aking mga magulang.

Kasalanan ko ba kung umibig ako sa kanya. Mali ba ang ginawa ko?

Please help me.

Timmy

Dear Timmy,

Hindi lang ikaw ang nakaranas ng ganyan. Hindi mo nasabi ang edad mo pero palagay ko’y musmos ka pa at marami pang dapat malaman tungkol sa pag-ibig.

Totoong ang agwat sa edad ay hindi problema. Ang problema ay teacher mo siya at labag sa ethics na ligawan ng estudyante ang guro o ng guro ang estudyante.

Ituring mo na lang admiration ang na­raramdaman mo. Kausapin mo si Miss Rosales at mag-sorry ka.

Dr. Love

vuukle comment

BUMABATI

DEAR TIMMY

DR. LOVE

HANGGANG

ISINUMBONG

ITAGO

ITURING

KASALANAN

MISS ROSALES

TIMMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with