^

Dr. Love

Nasaan si Marie

-

Dear Dr. Love,

Isa pong masaganang pangungumusta sa inyo. Tawagin mo na lang akong si Fhai.

Minabuti ko pong sumulat sa malaganap ninyong pitak sa hangaring makilala at makuha ang address o cellphone ni Marie ‘yong lumiham sa inyo na may pamagat na Pambihirang Hiyas, may petsa na Setyembre 8, 2010.

Nais ko po siyang makilala at makadaupang-palad dahil hinangaan ko ang kanyang katatagan at paninindigan sa pag-ibig.

Sa pamamagitan po ng liham kong ito, maaa­ring mabasa ito ni Marie at sulatan niya ako.

Tatanawin ko pong isang malaking utang na loob sa inyo kung mailalathala ninyo ang liham kong ito para malaman ni Marie na mayroon siyang tagahanga.

Isa po akong masugid na tagasubaybay ng inyong pitak at para sa ikatataba ng inyong puso, talagang hinahangaan ko ang mahusay ninyong mga payo sa mga naglalahad sa inyo ng problema.

Sana po, lumaganap pa ang pitak na ito na alam kong maraming tagasubaybay na tulad ko.

Maraming salamat po at nawa’y lagi kayong pagpalain ng ating dakilang Maykapal.

Sincerely yours,

Fhai Alfaiz

Baseco,Port Area Manila

Dear Fhai,

Salamat sa liham mo at nakakalugod na mabatid na marami palang natutulungan ang pitak na Dr. Love.

Makakaasa ang tulad mong tagasubaybay nito na lalo pa naming pagbubutihin ang aming pagtulong sa mga nangangailangan ng payo.

Minabuti naming ilathala ang liham mong ito para sakaling mabasa ito ni Marie, siya na ang susulat sa iyo.

Happy holidays at mabuhay ka!

DR. LOVE

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)

vuukle comment

DEAR FHAI

DR. LOVE

FHAI ALFAIZ

ISA

LIBANGAN SECTION

MINABUTI

PAMBIHIRANG HIYAS

PORT AREA

PORT AREA MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with