^

Dr. Love

Kinukulit sa sex

-

Dear Dr. Love,

Greetings to you. Hindi ko na pakakahabaan ang sulat ko. Tawagin mo na lang akong Aileen, 22-anyos at dalaga pa.

Mula pagkabata ay iminulat na kaming magkakapatid sa pagiging relihiyoso at may pagpapahalaga sa pagkadalaga ng isang babae. Dumating ako sa edad na ito na chaste o isa pang virgin.

Ang problema ko ay ang aking boyfriend na very persistent na magkasarilinan kami at gawin yung bagay na ginagawa lamang ng mag-asawa.

Isang buwan na siyang nangungulit at nitong huli’y nagwarning na siya. Makikipag-break siya sa akin kapag hindi ako pumayag.

Dapat ko ba siyang pagbigyan?

Aileen

Dear Aileen,

Sa tanong mo kung dapat siyang pagbigyan, ang sagot ko ay HINDEH!

Dapat pa nga siyang matuwa sa iyo dahil kung mahal ka niya at handang pakasalan, para siyang nakakuha ng mamahaling hiyas na walang katumbas na halaga. Sa tingin ko ay very rare commodity na ngayon ang virginity at napakasuwerte ng isang lalaking makakakuha ng isang hiyas na kagaya mo.

Maniwala ka sa sasabihin ko. Kapag ipina­ubaya mo sa kanya ang iyong pagkababae, unti-unti na siyang manlalamig sa iyo and at the end of the day, magigising ka na lang na wala ka nang boyfriend pati na pagkadalaga mo and worse, baka mabuntis ka pa nang wala sa oras. 

Dr. Love

(Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.)

vuukle comment

AILEEN

DAPAT

DEAR AILEEN

DR. LOVE

DUMATING

ISANG

KAPAG

MAKIKIPAG

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with