^

Dr. Love

Pihikan

-

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Beth, 30-anyos, nagtatrabaho sa Pasay City bilang saleslady sa isang kilalang mall. Araw-araw ay marami akong nakakasalamuhang mga lalaki na ang marami’y humahanga sa angkin kong ganda.

Hindi mo naitatanong, may hitsura ako at hinihimok nga ako ng ilan kong mga kaibigan na mag-artista. Ang kaso ay hanggang ganda lang ako at walang talent. 

Ang problema ko’y hindi ko pa nakikita ang lalaking magpapatibok ng puso ko. Pihikan kasi akong masyado. Marami akong manliligaw at puro guwapo bagama’t may ilang malalakas ang loob na walang itsura.

Minsan pa lang ako nagka-boyfriend. Iyan ay noong first year high school pa lang ako. One year ding nagtagal ang aming relasyon.

Sa ngayon ay may manliligaw akong10 taon ang agwat ng edad sa akin. For practical reasons, gusto ko na siyang tanggapin kahit walang love akong nararamdaman. Tutal, nasa boundary na rin ako ng pagiging old maid at ayaw kong mapag-iwanan ng biyahe.

 Matandang binata siya at ang negosyo niya ay mga ready to wear na kasuotan na idini-deliver sa aming tindahan.

Handa raw niya akong pakasalan. Minsan akong sumamang kumain sa labas sa kanya at ikinuwento niya ang kanyang buhay. Galing din siya sa hirap at nagsariling sikap siya upang umasenso. Siya ang nagpaaral sa mga kapatid niya kaya nakalimutan niya ang pag-aasawa. Mababa rin ang kanyang tinapos. High school lang pero umangat ang buhay.

Tama ba na sagutin ko siya kahit walang love sa puso ko? Mabait siya at gusto ko siyang kaibigan.

Beth

Dear Beth,

Hindi ako kumporme sa pag-aasawa for “practical reasons” gaya ng sinasabi mo. Kailangan kasi ang pag-ibig sa ano mang relasyon. Kung minsan, may mga ganyang uri ng relasyon na wala ang pag-ibig sa umpisa ngunit nadi-develop kalaunan. Pero papaano kung hindi umusbong ang pag-ibig? Baka pagsisihan mo.

Sabagay, sa paglalarawan mo sa kanya’y mukhang uliran siyang asawa. Marunong dumiskarte sa buhay at kayang magtatag ng pamilya. Isang mahalagang katangian iyan ng isang ideal man to marry.

Pero nasasa-iyo iyan. Puwede kang magbakasakali pero ang consequence ng iyong gagawin ay dapat mong tanggapin, mabuti man ito o hindi.

Dr. Love


vuukle comment

AKO

AKONG

ARAW

DEAR BETH

DR. LOVE

HANDA

MINSAN

PASAY CITY

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with