^

Dr. Love

Ginayuma?

-

Dear Dr. Love,

Matagal mo na akong masugid na taga­su­baybay at ngayo’y ibig kong humingi ng payo sa iyo. Naniniwala ka ba sa gayuma?

Tawagin mo na lang akong Beth,  24,  at may asawa’t dalawang anak. Limang taon na kaming kasal ng asawa ko at sa loob ng panahong ito, naging mapagmahal at uli­rang asawa siya.

Pero nitong nakaraang limang buwan ay bigla na lamang siyang nagbago. Naging ma­ta­bang ang pakikitungo niya sa akin at noong una’y nagtaka ako kung bakit. Nala­man kong mayroon pala siyang babae na kapitbahay pa namin. Hindi maganda ang babaeng ito. Mataba at maitim. Pero alam kong noon pa’y may gusto na siya sa asawa ko. Nahahalata ko ito sa kanyang mga pa­nakaw na sulyap.

May reputasyon ang babaeng ito sa aming baryo. Isa siyang kilalang albularyo. Pali­him pala silang nagdi-date. Ang sabi sa akin ng aking tiyo, malamang ay ginamitan ang mister ko ng gayuma. Ano ang dapat kong gawin? Sana’y matulungan mo ako Dr. Love.

Beth

 

Dear Beth,

Naniniwala ako sa kulam o sorcery sa­pag­kat iyan ay nasa Biblia. Ngunit isinasaad ng Salita ng Diyos na ang mga nagpasakop sa Panginoong Jesus ay  hindi na kayang sak­lawin ng ganyang kapangyarihan ng diyablo.

Taimtim kang manalangin sa Pangi­noong Jesus para sa deliverance ng iyong asa­wa. Magbulay ka sa Salita ng Diyos at ma­tatagpuan mo ang paraan para makawa­la ang iyong asawa sa ganyang madilim na kapangyarihan.

Kapag natutulog na siya sa tabi mo, lapi­tan mo siya’t patungan ng kamay at sa Pa­ngalan ng Panginoong Jesus ay itaboy mo ang masamang kapangyarihang guma­ga­pos sa kanya.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR BETH

DIYOS

DR. LOVE

PANGINOONG JESUS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with