^

Dr. Love

‘Tinulungan ako ng Panginoong Jesus na mapili upang makapagtrabaho sa ibang bansa’–Ate Vangie Gatchalian

-
Ako’y naghahanap ng trabaho at nang makita ko ang isang patalastas sa isang pahayagan, inaplayan ko agad ang agency na nagre-recruit ng mga waiter, housekeeper at pool attendant sa Ritz Carlton Hotel sa Ceyman Island sakop ng United Kingdom o bansang Britanya.

Pumunta ako sa recruitment agency na nasa Kamias st., Cubao, Quezon City at napakarami ng mga aplikante. Karamihan sa kanila ay may mga karanasan na sa pagtatrabaho sa hotel at Barko. Ako kasi ay isang buwan pa lang ang karanasan bilang OJT sa Asturia Plaza Hotel, Ortigas Commercial Complex, Pasig City. Sinabihan ako ng isang empleyado ng recruitment agency na baguhin ko ang aking resume at ilagay ko roon na dalawang taon na akong nagtatrabaho sa naturang hotel.

Pero hindi ko ginawa ang sinabi niya dahil ayaw kong mandaya o magsinungaling dahil labag ito sa kagustuhan ng Panginoong Jesu-Cristo. Bumalik ako noong unang linggo ng Setyembre at sinabi ng tumingin sa aking resume na tatawagan na lamang ako sa katapusan ng buwan. Nanalangin ako sa Panginoong Jesus na ako’y tawagan para sa interview. Nangusap ang Diyos sa akin batay sa Kanyang Salita na "ako’y magmahinahon lamang at magtiwala sa Kanya dahil Siya nga ang Diyos at Siya ang Diyos ng lahat ng mga bansa."

Habang ako ay nasa loob ng Christ, the Living Stone Fellowship (CLSF) church at kasamang nanambahan ng aking mga kapatiran sa Panginoong Jesu-Cristo, bigla na lamang akong tinawagan ng recruitment agency sa aking cellphone at pinag-rereport ako kinabukasan.

Doon pa lamang sa gate ng opisina ng recruitment agency ay sinalubong ako ng isang matabang lalaki na aplikante rin. Tinanong niya kung bakit ganoon ang suot ko. Ang balak ko sana ay umuwi at bukas na lamang ako babalik para makapagsuot ako ng pormal para sa interview kasi ang uunahin sa interview ay mga waiter ng food and beverages.

Subalit may bumaba at sinabi sa amin kung sino ang mapapasama sa interview. Nanalangin ako. Ang may-ari ng recruitment ng agency na babae ang nag-interview sa akin. Mabagsik daw ito at marami ang ibinabagsak sa interview.

Nang makaharap ko siya, tinanong niya ako kung makakayanan ko ang trabaho bilang housekeeper. Sinabi ko na makakaya ko at pagbubutihan ko kahit isang buwan lang ang naging karanasan ko trabahong ito. Binigyan niya ako ng white paper at sinabihan niya ako na pumunta sa Shangri-La Hotel sa may EDSA upang interbyuhin muli ako at ang iba pang mga aplikante noong Setyembre 29.

Nagpasalamat ako sa Diyos dahil pumasa ako sa initial interview. Pagdating ng Set. 29, dalawang British nationals, isang Australian at isang Indian ang naka-assign para sa interview. Ito ay phone interview at dito na pipiliin kung sino ang kukunin nila para magtrabaho sa Ritz Carlton Hotel, isang bantog na hotel sa Ceyman Island.

Ang aking panalangin ngayon ay matanggap bilang empleyado ng Ritz Carlton Hotel at kung paano ako tinulungan ng Panginoong Jesu-Cristo para makarating sa final interview ay kaya Niya akong tulungan na mapili bilang empleyado sa naturang kompanya. Purihin at sambahin ang Panginoong Jesu-Cristo.

Ate Vangie Gatchalian

(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3836; Q.C., 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998, at Mandaluyong, 533-5171.)

vuukle comment

AKO

ASTURIA PLAZA HOTEL

CEYMAN ISLAND

DIYOS

HOTEL

INTERVIEW

ISANG

PANGINOONG JESU-CRISTO

RITZ CARLTON HOTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with