^

Dr. Love

Teenage love

-
Dear Dr. Love,

Isa pong magandang araw sa inyong lahat sa PSN.

Ako po ay kabilang sa marami ninyong tagahanga at ipinagmamalaki kong sabihin na hindi buo ang araw ko kung hindi ko nababasa ang malaganap ninyong column at siyempre pa ang diyaryo ninyo.

Tawagin níyo na lang po akong si Jimmy. Tapos ako ng kolehiyo at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang kompanya sa Makati.

Ang problema ko po ay may kinalaman sa aking kababata at teenage girlfriend na hanggang ngayon ay matiyaga pa ring nagbabakasakali na kami pa ring dalawa ang makakatuluyan sa kabila ng pangyayaring kay tagal nang panahong nag-break kami ng relasyon.

Hindi ko po sana magiging problema ito kung hindi lang dahil sa malapit na magkaibigan ang pamilya namin at hanggang sa ngayon ay balae ang turingan ng mga magulang namin sa isa't isa.

Naipaliwanag ko na sa aking ina at ama na nagkasira na kami ni Lorna at ako ay mayroon nang ibang girlfriend na siya kong gustong pakasalan.

Naiilang tuloy ang gf ko na makipagkilala sa aking mga magulang dahil sa pangambang hindi siya tanggapin nang mabuti dahil nga kay Lorna.

Wala akong alam na ibang naging boyfriend ng dati kong nobya habang ako ay nakatatlo na.

Paano po ba ang dapat kong gawin sa suliranin kong ito? Jimmy


Dear Jimmy,


Hindi ka dapat na magkaproblema sakali man at hanggang ngayon ay wala pang nobyong iba ang dati mong girlfriend.

Ang sapantaha ng pitak na ito ay mayroon kang guilty feeling dahil iniwan mo siya o baka naman hanggang ngayon ay mahal mo pa rin siya.

Ang pangyayaring nakatatlo ka nang nobya at wala pa ring ibang ipinapalit sa iyo si Lorna ay patunay lang na maaaring ikaw ay talagang "pabling." Totoo ba?

Hindi mo rin maiaalis sa mga magulang mo na maging paborito si Lorna dahil maaaring kasundo nila ito at magkakaibigan sila ng mga magulang niya.

Para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan, makabubuting linawin mo sa parents mo na wala nang pag-asang magkabalikan pa kayo ng dati mong nobya.

Ipakilala mo na sa mga magulang mo ang nobya mo ngayon para kuwentas klaras ay alam na nilang tapos na ang lahat sa inyo ni Lorna.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR JIMMY

DR. LOVE

IPAKILALA

ISA

LORNA

MAKATI

NAIILANG

NAIPALIWANAG

PAANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with