^

Dr. Love

May tsansa pa kaya ako?

-
Dear Dr. Love,

Kabilang po ako sa mga masusugid na tagasubaybay ng inyong column at mambabasa ng Pilipino Star Ngayon.

Una ko pong liham ito sa inyo at sana ay marapatin ninyong ilathala ito para mabigyan ng kaukulang pagpapayo.

Tawagin n’yo na lang po akong Lover Boy, 20 years-old at sa kasalukuyan ay walang girlfriend.

Dati pong may nobya ako pero dahil sa pagiging "chick boy" ay kinalasan ako ni Mia.

May tatlong taon din kaming mag-on ni Mia kahit on and off ang relationship namin dahil na rin sa kagagawan ko. Malimit kasi niya akong mahuling may nililigawang iba.

Noon, hindi ko ikinasasama ng loob kung nagkakaroon kami ng sigalot ni Mia na nauuwi sa break-up dahil nagkakasundo rin naman kami.

Pero ang huli naming away ay hindi na makuha sa hilot.

Dito ko naramdaman na talagang mahal na mahal ko siya.

Nagbago na talaga ako. Kahit na nga mayroong mga babaeng nagkakagusto sa akin, wala na silang pansin sa akin.

Ang masakit ngayon, marami nang ibang nanliligaw kay Mia at mabibigat talaga ang kalibre.

Gusto kong magkabalikan kami pero parang iba na ang trato sa akin ng dati kong gf.

Paano ko kaya makukuha uli ang kanyang tiwala? Sa tingin kaya ninyo, may tsansa pa kaming magkabalikan? Gumagalang,

Lover Boy


Dear Lover Boy,


Ikaw pala naman ang may kasalanan kaya nagka-break kayo ng nobya mo.

Talagang saka mo lang makikita ang kahalagahan ng isang tao at ang kanyang mga katangian kung wala na kayong relasyon.

Kung may nanliligaw man sa dati mong girlfriend, siguro wala pa naman siyang planong palitan ka na dahil sa naging karanasan niya sa relasyon ninyo.

Ipakita mong talagang mahal mo siya at talagang nagbago ka na.

Huwag mo na siyang bigyan pa ng pagkakataong makalimutan ka niya.

Gawin mong doble ang panahon sa panliligaw uli para magkalapit-loob uli kayong dalawa.

Maaaring binibigyan ka lang niya ng aral para hindi mo na siya paglaruan lang.

Good luck to you, Lover Boy.

Dr. Love

vuukle comment

DATI

DEAR LOVER BOY

DITO

DR. LOVE

GAWIN

GUMAGALANG

HUWAG

IKAW

LOVER BOY

PILIPINO STAR NGAYON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with