^

Dr. Love

Ligawin ng may edad

-
Dear Dr. Love,

Magandang araw po sa inyo. Tawagin na lamang po ninyo akong Matet, 17 taong-gulang, ipinanganak noong Marso 4, 1986.

Ang problema ko po ay maraming nagkakagusto sa akin na matatanda na. Yung iba ay may mga asawa na at yung iba naman ay matatandang binata. Bakit po ganoon, Dr. Love?

Ang gusto ko sanang maging boyfriend ay may edad 23 pero lumalagpas naman dito ang mga nagkakagusto sa akin. Ganoon po ba ang kapalaran ko?

Isa ko pa pong itatanong ay kapag tinitingnan po ba kayo ng isang tao ay may gusto na ito sa iyo?

May naging boyfriend ako sa text. Dalawang beses pa lang kamin nagkita. Mahal ko siya at palagi niyang sinasabi sa akin na mahal niya ako.

Pero kung mahal niya ako, bakit siya nakipag-break sa akin? Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na sana ay bumalik siya sa akin. Ano po ang ang gagawin ko?Matet


Dear Matet,


Hindi mapipigil ang isang lalaki, sino man siya, ano man ang edad, binata, may asawa o biyudo sa panliligaw.

Nasa babae kung tatanggapin niya o hindi ang isang nanliligaw. May isip ka naman siguro at hindi papatol sa may asawa. Alam mo kung ano ang tama at mali kaya use your wise judgement.

Tungkol sa boyfriend mo sa text na nakipag-break na sa iyo, ang payo ko’y limutin mo na siya at isipin na siya ang nawalan at hindi ikaw. Bata ka pa at alam kong marami pang darating sa iyong manliligaw na may magandang katangian.

Huwag ka munang lubhang seryoso sa pag-ibig at asikasuhin ang pag-aaral para sa iyong magandang future.

Dr. Love

vuukle comment

ALAM

ANO

BAKIT

BATA

DALAWANG

DEAR MATET

DR. LOVE

GANOON

HANGGANG

MATET

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with