^

Dr. Love

Sanggol na butas ang puso pinagaling ni Jesus

-
Dear Dr. Love,

Dinala ko ang aking pamangkin na babae na isang taong gulang na may butas ang puso sa Christ, the Living Stone Fellowship sa Mandaluyong City para ipapanalangin. Alam ko kasi na ang iglesiyang ito ay mapanalangin at marami na ang mga himalang naganap sa mga taong ipinanalangin nila.

Araw ng Linggo nang dalhin ko ang aking pamangkin. Sinabi ko ang aming pakay kung bakit kami nagtungo doon. May iba pa akong mga kasamahan mula pa sa Bacolod City. Pagkatapos ng mensahe ng senior pastor, ipinanalangin niya ang aking pamangkin na may sakit.

Makaraan ang dalawang linggo, dinala namin siya sa doktor at ipina-check up. Nagulat ang doktor dahil base sa eksaminasyon, wala nang butas ang puso nito.

Alam ko sampu ng aking mga kasamahan na pinagaling ng Panginoong Hesu Kristo ang bata sa pamamagitan ng panalangin ng pastor.

Sa kasalukuyan, ang bata ay malakas nang kumain, malusog at wala na talaga siyang sakit sa puso. Salamat sa Panginoong Hesus na ginagamit ang CLSF para matulungan ang mga taong may karamdaman o sakit, may mga suliranin o anupaman. Purihin ang Diyos! – George Santos, Bacolod City
* * *
(Kung gusto ninyong makatanggap ng pagpapala, kagalingan, kasagutan o anupaman, tumawag lamang sa 533-5171 at hanapin ang CLSF counselor.)

vuukle comment

ALAM

ARAW

BACOLOD CITY

DINALA

DR. LOVE

GEORGE SANTOS

LIVING STONE FELLOWSHIP

MANDALUYONG CITY

PANGINOONG HESU KRISTO

PANGINOONG HESUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with