^

Dr. Love

Maligayang Pasko, Mahal

-
Dear Dr. Love,

Merry Christmas po sa inyo at sa lahat ng mga bumubuo ng Pilipino Star NGAYON.

Sana po ay mailathala ninyo ang sulat kong ito sa mismong araw ng Pasko. Ang dahilan po ay dito ko nakamit sa araw na ito ang matagal nang pinakaaasam kong pamasko sa matagal ko na ring niligawang babae.

Ang akala ko, basted ako sa kanya dahil hindi talaga ako maka-score sa kanya. Tuwing tinatawagan ko siya sa bahay, kung sagutin man niya man ako ay hindi pa tumatagal ng 10 minuto. Lagi siyang nagmamadali at laging paiwas ang sagot sa akin.

Suko na talaga sana ako, kung hindi lang maagang dumating sa bahay ang ipinadala niyang Christmas card na nagsasabing "Maligayang Pasko, Mahal."

Hindi pa sana ako maniniwala sa pamasko niyang regalo kung hindi ko lang alam na siya mismo ang gumawa ng card na ito at personalized ang mensahe ng pagbati.

Sa tuwa ko, hindi ko na siya tinawagan. Kaagad akong nagsadya sa kanilang bahay at may dalang isang pumpon ng mga rosas na may nakasulat ding "Maligayang Pasko, Mahal."

Masaya ako sa Paskong ito, Dr. Love. Talagang mahal na mahal ko si Teresa at hindi ko alam na ganoon din pala siya sa akin.

Kaya lang daw niya ako pinahirapan muna ay para alamin kung talagang pasensiyoso ako at kung hanggang kailan tatagal ang sinasabi kong pagmamahal sa kanya.

Sa ngayon po ay wala na akong hinahangad na regalo sa Paskong ito kundi manatili sanang matatag ang bigkis ng aming relasyon na hahantong sa altar.

Nais ko ring ipaabot ang pagbati sa aking nobyang si Teresa sa pitak na ito.

"Maligayang Pasko, Mahal."

Gumagalang,
Johnny


Dear Johnny,


Pasensiya ka na kung na-late ang paglalathala sa sulat mo. Anyway, Christmas season pa rin naman, hindi ba?

Isang Maligayang Pasko rin sa iyo at gayundin sa mahal mo sa buhay.

Nakikihati ang pitak na ito sa iyong kaligayahan sa pagkakasagot sa iyo ng "oo" nang matagal mo nang nililigawang babae.

Sana ay hindi magmaliw ang inyong pag-uunawaan at pagtitinginan sa isa’t isa.

Bihira na ang binatang nakapagtitiyaga nang panliligaw sa itinatanging babae na noong una ay walang ipinakikitang hiwatig kung may pag-asa o wala ang panliligaw.

Sana ay magkatuluyan kayong dalawa at hangad namin ang maluwat ninyong pagsasama.

Dr. Love

AKO

DEAR JOHNNY

DR. LOVE

ISANG MALIGAYANG PASKO

KUNG

MALIGAYANG PASKO

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with