^

Panloob na ganda ang dapat tingnan

() - August 13, 2001 - 12:00am
Dear Dr. Love,

Magandang araw po sa inyo. Ako po ay 27 taong-gulang, binata at isang graphic designer dito sa Makati.

Lumiham po ako sa inyo dahil sa aking kabiguan sa larangan ng pag-ibig. Weakness ko po talaga ang magaganda at seksing babae. Hanga agad ako sa kanila. Dahil siguro sa ako ay isang artist at ina-appreciate ko ang lahat ng mga nilikha ng Diyos.

May mga ganoong katangian si Baby. Bukod dito, mabait at thoughtful pa siya. Kaya naman nang ligawan ko siya at tanggapin naman niya ang pag-ibig ko ay walang paglagyan ang aking kaligayahan. Hindi naman po ako kagandahang lalaki pero minahal niya akong talaga. Minahal ko rin po siya sa abot ng aking makakaya. Marami po ang hindi makapaniwala na napaibig ko si Baby. Marami rin po ang naiinggit at mayroon pa pong nanira sa akin sa pamilya niya na naging dahilan para tutulan nila ang pag-iibigan namin. Parang bangkang dumadaan sa malakas na bagyo ang aming pagmamahalan at pagkaraan ng dalawang taon, sinabi niya sa akin na hindi na niya ako kayang ipaglaban pa. Hinayang na hinayang po ako dahil magkasundong-magkasundo kaming dalawa. Mas pinili niya ang mga magulang niya kaysa sa akin.

Alam ko pong marami kayong mambabasa na mga kababaihan na dumanas din ng mga kabiguan, nagmahal din nang lubos ngunit hindi binigyang-halaga ng taong pinag-ukulan nito. Nais ko po sana silang makilala. Kung maaari ay lumiham lang sila sa akin at maglakip ng larawan at ganito rin po ang gagawin ko sa kanila.

Hanggang dito na lang po at maraming salamat.

Gumagalang,

Melvin
c/o Vincent Ignacio
B17 Lot 38 Daffodil Road,
Molino Parkhomes, Queens Row West,
Bacoor, Cavite


Dear Melvin,


Kung mahal ka niya talaga, walang dahilan kung bakit tatalikod siya sa inyong pag-iibigan dahil lamang sa pagtutol ng kanyang mga magulang.

Ngunit huwag mo na siyang sisihin at ituring mo na lamang siyang magandang kabanata ng iyong buhay. Huwag kang titingin lamang sa pisikal na anyo. May kasabihang "beauty is skin deep" na ang ibig sabihin ay maaaring kumupas ang kagandahang panlabas. Ang tingnan mo ay ang panloob na katangian tulad ng katapatan at kahandaang ipaglaban ang inyong pag-iibigan.

Dumadalangin akong matatagpuan mo ang isang babaeng kahit hindi kagandaha’y tapat at dalisay naman kung umibig.

Dr. Love

AKO ALAM DAFFODIL ROAD DEAR MELVIN DR. LOVE MARAMI MOLINO PARKHOMES NIYA QUEENS ROW WEST VINCENT IGNACIO
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with