Mrs. Robertson

Dear Dr. Love,

Good day to you and to all the readers of PSN. Isa rin po ako sa masusugid na tagasubaybay ng column ninyo and I thank you for it dahil binibigyan ninyo ng chance ang mga readers na maipalabas ang kanilang mga saloobin and at the same time, nabibigyan ninyo sila ng mga advice sa kani-kanilang mga problema. It really shows na you really care for your readers and followers.

I’m looking for a man named Joar. Eight years na kaming walang communication and until now, hinahanap ko pa rin siya. He is my special friend na gusto kong makita at makausap. Sana, through this column ay matagpuan ko siya. He is my shoulder to cry on. Everytime na naririnig ko ang paborito niyang kantang "Paminsan-Minsan" by Richard Reynoso ay parang lalo siyang napapalapit sa akin. I hope na mabasa niya ang sulat kong ito.

Hello also to a friend named Ariel J. of BACMAN. Ako yung nakilala mo sa beach noong nakalipas na taon. Siguro ay happily married ka na ngayon.

Dr. Love, I would like to have more friends through this column because I enjoy reading letters from friends. Thanks and more power.

Mrs. Robertson


Dear Mrs. Robertson
,

Umaasa ako na mababasa ng taong hinahanap mo ang iyong panawagan bagamat hindi mo ibinigay ang kanyang buong pangalan.

Sa mga nais makipagkaibigan sa iyo, maaari silang tumawag sa ating patnugutan para alamin ang buo mong pangalan at address.

Dr. Love

Show comments