13 bata kumain ng tuba-tuba, nalason
Content sa socmed, ginaya
MANILA, Philippines — Labintatlong bata ang naratay sa pagamutan makaraan umanong malason sa kinaing bunga ng tuba-tuba sa Brgy. Topland, Koranadal City nitong Lunes ng hapon.
Sa report ng pamahalaang lungsod ng Koronadal, ang mga biktima ay mabilis na isinugod sa South Cotabato Provincial Hospital upang malapatan ng pangunahing lunas.
Ayon sa imbestigasyon, ang mga bata ay nagkatuwang kainin ang bunga ng tuba-tuba na umano’y lasang mani matapos na maispatan ang mga hitik na bunga ng puno nito. Gayunman, ilang oras matapos kainin ang bunga ng tuba-tuba ay dumaing ng pamamanhid ng katawan, pagsusuka, pananakit ng ulo saka diarrhea ang mga bata.
Nauna rito, nanood umano ng You Tube channel ang mga bata kung saan itinampok sa video ang mga taong kumakain ng tuba-tuba kaya ginaya ito ng mga bata.
- Latest





















