Bowling sa PSA Forum
MANILA, Philippines — Ang estado ng bowling sa bansa ang pag-uusapan sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayon sa Tapa King Restaurant sa Farmer Plaza sa Cubao.
Sina dating World Cup champions Bong Coo, Biboy Rivera at Paeng Nepomuceno ang bibisita sa lingguhang sesyon na magsisimula sa alas-10:30 ng umaga..
Ilalahad ng tatlong Philippine Bowling Federation (PBF) officials ang pamamahala sa Philippine International Open na nakatakda sa Abril 28 hanggang Mayo 13 sa Starmall sa Mandaluyong.
Si Coo ang tumatayong team manager ng Philippine bowling team.
- Latest




















