kulang pa sa ensayo ang Gilas Pilipinas
MANILA, Philippines — Isang linggo pa lamang nagsasanay bilang isang grupo, hindi umubra ang all-star na cast ng Gilas Pilipinas kontra sa subok nang Blue Eagles na matagal nang magkakasama na produkto ng pinamalakas na collegiate basketball program ngayon sa bansa.
Bigo sa unang salang ang Gilas 23 for 23 World Cup pool nang mabangga sila sa beteranong Ateneo De Manila University, 69-75 kamakalawa sa pagsisimula ng 12th Filoil Flying V Pre-season Premier Cup sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.
Patunay nito ang titulo sa nakaraang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 80.
Sa likod ng lider na si Thirdy Ravena, iniwan ng Blue Eagles ang Gilas sa huling kanto nang uma-lagwa sa hanggang 13 puntos na kalamangan, 69-56 matapos ang dikit lamang na 53-48 lamang papasok sa fourth quarter.
Hindi na muling lu-mingon pa ang Ateneo buhat noon bagamat nakahabol pa nang bahagya ang Gilas tungo sa ma-laking tagumpay upang simulan ang kampanya sa Filoil.
Tinanghal na Finals Most Valuable Player noong nakaraang UAAP 80, giniyahan ni Ravena ang Ateneo sa paglista ng all around numbers na 16 puntos, limang rebounds, limang assists at 3 steals.
Orihinal na bahagi si Ravena ng 23-man pool ng Gilas ngunit hindi muna maglalaro ngayon para sa pambansang koponan para sa pagha-handa ng mother school sa napipintong UAAP 81.
Bukod sa kanya, ang ibang Atenista na sina Matt Nieto at Isaac Go ay kasama rin sa Gilas cadets na hinahanda ng Samahang Basketbol ng Pilipinas para sa 2023 International Basketball Federation (FIBA) World Cup na dito sa bansa gaganapin.
Samantala, nagpasiklab naman si Ricci Rivero sa kanyang unang laro buhat nang lumisan mula sa De La Salle University kamakailan lamang.
Bagama’t wala pang unibersidad sa ngayon na lilipatan, nagpamalas si Rivero ng determinasyon sa pambansang koponan nang magbuslo ng 17 puntos upang trangkuhan ang atake ng Gilas.
Nag-ambag din ng 13 puntos ang international sensation na si Kobe Paras na kababalik lang din sa bansa noong nakaraang linggo.
Tatangkaing maka-bawi ng Gilas kontra sa bagong bihis na Green Archers sa ilalim ng bagong coach na si Louie Gonzales sa Abril 27 at sa parehong araw din ay asam din ang 2-0 kartada ng Ateneo kontra sa karibal at kampeon naman ng NCAA na San Beda University. ADimasalang
- Latest





















