^

Pang Movies

Manager at ilang artista ‘di na pang-professional ang relasyon!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

In fairness kay Gabby Concepcion, isa siya sa mga pinakamabait na alaga ko noon kaya gusto kong i-correct ang wrong impression na hindi maganda ang ugali niya.

Misinformed lang ang mga tao na nagsasabi na hindi mabuting tao si Gabby kaya nasira ang ga­ming talent-manager relationship.

Actually, dream talent si Gabby dahil sinusu­nod niya ang lahat ng payo ko sa kanya noon. Basta binigyan ko siya ng project, hindi na nagtatanong o tumatanggi si Gabby dahil sa complete trust niya sa akin.

Mahusay makisama si Gabby sa mga katrabaho niya dahil kung hindi, never na siyang makakabalik sa showbiz pagkatapos ng matagal na paninirahan sa Amerika.

Hindi sa ipinagtatanggol ko si Gabby sa detractors niya. Sinasabi ko lang ang totoo na mabait na tao siya at napatunayan ko ito ng maraming beses noong ako pa ang manager niya.

May mga nabasa ako na anti-Gabby comments nang magsulat ako tungkol sa relasyon ko sa mga talent ko kaya kailangan na sabihin ko ang totoo.

Kapag manager ka ng mga artista, hindi puwede na pang-professional lang ang relasyon n’yo dahil you get to be emotionally attached sa kanila.

Stressed ka rin kapag stress out sila, broken-hearted ka rin pag broken-hearted sila at happy ka rin pag happy sila.

Parang family na kayo, minsan nga mas alam mo pa ang mga problema nila kesa pamilya nila dahil kapag manager ka, parang doctor, lawyer o father confessor ka nila. Pero siyempre, tulad sa mga tunay mong anak, iba-iba rin kung minsan ang mga ugali nila. May talagang open sa iyo, meron din nagtatago ng ilang bagay sa iyo.

Suwerte ako sa mga alaga ko, hindi sa pagmamalaki, halos lahat sila parang nanay ang turing sa akin.

Unang ipinakilala sa akin ni Alfred Vargas si Yasmine noong nag-uumpisa pa lang ang relas­yon nila.

‘Yung mga tago na kapilyuhan nina Rudy Fernandez at Bong Revilla, Jr., sinasabi nila sa akin.

Honest si Mark Herras sa mga sagot niya kapag tinanong ko siya. Hindi nahihiya sina Tonton Gutierrez at Gladys Reyes na hingin sa akin kung ano ang mga gusto nila.

Nagtatapat sina Lorna Tolentino at Amy Austria ng tunay na nadarama nila sa mga nangyayari, si Christopher de Leon, palaging hinihingi ang opinion ko.

Si Benjie Paras, open sa akin kahit may pagka-private siya sa iba. Kahit si Sandy Andolong, hindi nagtatago ng feelings niya.

Kilala ako na madaldal pero alam nila na kapag talagang kailangan na itago, safe sa akin ang mga sikreto nila.

Ilalaban ko sila na parang mga tunay kong anak, at kung anuman ang kaya ko, ibibigay ko. I thank God for all my talents, sa extended family ko at dahil alam ko na hindi ko na kaya sa ngayon na mag-alaga na tulad nu’ng una kaya nag-semi-retire na ako sa pagma-manage at hindi na ako tumatanggap ng bagong alaga.

Masaya na ako na magaganda naman ang mga buhay nila ngayon at alam ko na basta kailangan ko sila, nandiyan lamang sila.

vuukle comment

MANAGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with