^

Metro

Mahusay na serbisyo sa senior citizens aayusin ni Joy Belmonte

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mahusay na serbisyo sa  senior citizens aayusin ni Joy Belmonte
Ito ay makaraang ihayag ni Belmonte ang hangarin na magsagawa ng malawakang census o dokumentasyon sa mga elderly ng lungsod para sa mas mahusay na serbisyo publiko sa mga ito.
Cesar Ramirez

MANILA, Philippines — Higit na pagagandahin  at aayusin ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang pagkakaloob ng serbisyo at benepisyo para sa mga senior citizen ng lungsod.

Ito ay makaraang ihayag ni Belmonte ang hangarin na magsagawa ng malawakang census o dokumentasyon sa mga elderly ng lungsod para sa mas mahusay na serbisyo publiko sa mga ito.

Anya,  mahalagang magkaroon ang lokal na pamahalaan ng updated na database ng mga residenteng senior citizens upang mabatid ang kanilang mga pangunahing pangangailangan.

“Wala tayong tamang record ng bilang ng mga kuwalipikadong senior citizen. Hangga’t hindi natin natutunton silang lahat at nalalaman ang pangunahin nilang pangangailangan, hindi tayo makakapagpalabas ng epektibong programa na mapapakinabangan nila,” pahayag ni Belmonte nang pangunahan ang induction ceremonies ng mga opisyal ng Greater Kingspoint Senior Citizens Association, Inc. sa Kingspoint Subdivision sa Barangay Bagbag QC.

Ayon sa Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), tinatayang may 375,000 senior citizen sa Quezon City ngunit nanini­wala si Belmonte na mas marami pang matatanda ang hindi nairerehistro kaya hindi nakakatanggap ng kaukulang benepisyo ng lokal na pamahalaan.

Anya, oras na maisaayos  ang database ng OSCA,  susunod na hakbang ay i-“profile” din ang mga senior citizen base sa kanilang estado sa buhay at problema sa kalusugan at iba pang mahahalagang impormasyon.

Sa pamamagitan ng mga impormasyong ito, maipa-prioritize ng lokal na pamahalaan ang mga programa at proyektong malaki ang pakinabang sa mga senior citizen.

Para sa taong ito, sinabi ni Belmonte na naglaan ang lokal na pamahalaan ng P190 milyon para sa mga senior citizen mula sa budget ng lungsod na P19 bilyon, na aniya’y malayo na ang mararating kapag magamit ito ng  maayos.

vuukle comment

JOY BELMONTE

SENIOR CITIZEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with