Casino sa Boracay inatras

MANILA, Philippines — Hindi na matutuloy ang pagtatayo ng casino-resort sa isla ng Boracay, ayon sa Department of Tourism kahapon.
Kinumpirma ni Tourism Assistant Secretary Frederick Alegre ang balita at sinabing naghahanap na lamang ng ibang lugar ang Galaxy Entertainment Group.
Inulan ng batikos ang gobyerno matapos pumutok ang balitang pagtatayo ng mega casino-resort sa isla na nakatakdang isara ng anim na buwan para ipatupad ang rehabilitasyon.
Nauna nito ay binigyan ng Philippine Amusement and Gaming Corp. ng provisional license ang Galaxy Entertainment Group.
Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang kumontra sa pagtatayo ng casino sa pamosong tourist destination sa buong mundo.
Related video:
- Latest

















