^

Pang Movies

Arjo bingi-bingihan sa mga sinasabi ni Sylvia

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Arjo bingi-bingihan sa mga sinasabi ni Sylvia
Arjo at Sylvia

Walang halong pagyayabang, ani Sylvia Sanchez, sa teleseryeng Hanggang Saan na pinagsasamahan nila ng anak na si Arjo Atayde ay napatunayan niya sa sarili niya na magaling talagang aktor ang eldest son nila ni Art Atayde.

“Ang sinasabi ng lahat, magaling si Arjo but modesty aside, magaling nga siya. At pag nag-focus pa lalo si Arjo at mahalin lang niya nang sobra ang trabaho niya, mas meron pa siyang ibibigay,” pahayag ni Ibyang.

When asked kung ano ang masasabi ni Arjo sa sinabi ng ina, nagkunwari ang aktor na hindi siya masyadong happy sa komento nito.

“Okay lang, steady,” reaksyon niyang natatawa. “Of course, magaling, everyone here is professional and si Mommy, she’s always been a good actress and actually, lahat sila, pag nakaka-eksena ko, not only my Mom.

“Kasi, sometimes, nahihirapan kang humugot sa artista, eh. Parang ‘yun ‘yung pinaka-downfall ko. Hindi ko kayang iangat ang sarili ko pag nahahatak na ako pababa. Pero in this show, hindi ko kinailangang mag-isip ng ganu’n because every scene I have with each and every person, they know their place, they know their character, so it’s easy to play around with it,” pahayag ni Arjo.

Ayon naman kay Sylvia, sa simula’t simula pa lang ay talagang hindi siya nagkukulang ng gui­dance sa anak kung ano ang dapat gawin sa industriyang ito.

“Sina-sample ko lagi sa kanya ang sarili ko, nun’g bago ako, hanggang narating ko ‘to. ‘Yun ‘yung inuumpisahan ko lagi sa kanya. Tapos, eto lang, parati ko namang sinasabi sa kanya, pakikisama, huwag pasaway, maging professional, galingan, mahalin (ang trabaho) at higit sa lahat, huwag mamili ng tao sa set, ke boss ‘yan, ke BUH ‘yan, ke utility ‘yan. ‘Yun ang sinasabi ko sa kanya,” she said.

Dagdag pa niya, “and thankful ako, honestly, hindi sa yabang pero ‘yung nakikita kong itinuturo ko sa anak ko, slowly, nakikita ko, dito, dito ko nakita na sabi ko,“hindi ako nagkamali kasi kahit paano kinukuha ni Arjo at ginagawa niya.”

Sa April 27 na ang finale episode ng Hanggang Saan na bukod kay Arjo and Sylvia, kasama rin sa serye sina Sue Ramirez, Ariel Rivera, Yvez Flores at Mariz Racal.

Yvez ayaw makaribal si Inigo kay Mariz

Sa nasabing presscon pa rin para sa last 2 weeks ng Hanggang Saan, thankful si Yves na tinanggap din ng mga tao ang loveteam nila ni Mariz kahit alam niyang may ibang ka-loveteam talaga ang young actress na alam nating lahat na si Inigo Pascual na rumored boyfriend din ng dalaga.

 “And natutuwa ako na kahit papaano, may mga taong kinikilig sa amin, may mga taong sumusuporta sa amin,” pahayag ni Yvez.

Pero maya-maya ay nilinaw din ni Yvez na matagal na raw silang magkaibigan ni Mariz at habang tumatagal ay lalo pa raw lumalim ang friendship na ‘yun.

Ayon naman kay Mariz, challenge sa kanya ang loveteam nila ni Yvez since mahirap nga raw na may dalawang ka-loveteam pero very thankful din siya na natanggap ng mga tao ang tambalan nila.

Hindi naman nagseselos si Inigo?

“Hindi naman po, very supportive naman po siya. Iba naman po kasi ang gusto naming gawin, like music talaga,” sambit ni Mariz.

vuukle comment

ARJO ATAYDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with