^

Metro

Nagtakbo ng P3.2 M ng casino financiers timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang Chinese national na tumatayong runner ng kanyang tatlong kabaro na casino financier ang dinakip matapos itakbo ang P3.2 milyong cash na ipinahawak sa kanya sa Sucat, Parañaque.

Nakapiit ngayon sa Manila Police District -General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang suspek na si Sha Ran Cue, 28 ng Libertad St., Pasay City ma­tapos na maaresto ng mga taong nakakilala sa kanya dakong alas-7:00 ng  gabi habang naglalakad sa Old Sucat Road, Parañaque City.

Ayon kay PO3 Jayjay Jacob, may hawak ng kaso, ang suspek  ay inireklamo ng mga biktimang sina Xiang Wang, 30; Along Lee, 30; at Aaron Tan, 35, pawang mga Chinese nationals at casino financiers.

Naganap umano ang insidente noong Abril 2 sa loob ng Robinson Place, Ermita, Maynila.

Kumakain umano ang mga biktima nang ipahawak ni Wang ang bag na naglalaman ng pera sa suspek upang magtungo sa comfort room.

Gayunman, pagbalik ay wala na ang suspek at hindi na nagpakita sa mga biktima.

Sinampahan ng qualified Theft ang suspek­ sa Manila Prosecutor Office.

vuukle comment

CHINESE NATIONAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with