^

Police Metro

Bading, ginahasa ng amain

Joy Cantos - Pang-masa
Bading, ginahasa ng amain
Ang biktima ay itinago sa pangalang David, isang guro at residente ng nasabing lungsod.
File

MANILA, Philippines — Nagsampa ng reklamo sa pulisya ang isang 21-anyos na bading na guro laban sa kanyang amain na gumahasa sa kanya sa loob ng banyo sa Teachers Camp nitong Miyerkules.

Ang biktima ay itinago sa pangalang David, isang guro at residente ng nasabing lungsod.

 Naaresto agad ang suspek ng mga nagrespondeng operatiba ng pulisya na kinilalang si Randy Clemente, 36, may-asawa, jobless at residente rin ng nasabing lugar.

Ayon sa biktima bago nangyari ang pangmomolestiya sa kaniya ng kaniyang amain dakong alas- 3:00 ng madaling araw ay lasing siya noon at nang magtungo sa banyo ay sinundan siya ng tiyuhin at hinalay.

Nagpumiglas naman ang biktima na nakatakbo sa kaniyang kuwarto pero sinundan pa rin siya ng suspek saka itinulak sa kama at dito muling ginahasa.

Matapos na makawala ang biktima sa hayok na amain ay agad nagsumbong sa kaniyang ina at sinamahan sa Baguio General Hospital para magpagamot.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with