^

PSN Showbiz

Singer-Actress nasisira ang trabaho sa mga kaibigan at social media

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Matindi pala ang pinagdaanan ng isang produksiyon nang makatrabaho nila ang isang pamosong singer-actress. Malapit na palang sumuko ang mga tauhan ng production dahil sa ipinakikitang ugali ng pamosong female personality.

Serye pa naman ‘yun, regular ang kanilang taping, tuluyan ang istorya kaya talagang mahirap rendahan ang singer-actress. Binabantayan talaga siya ng production staff para magtuluy-tuloy ang kanilang trabaho.

Kuwento ng isang dating katrabaho ng female personality, “Very professional siya, hindi siya nale-late sa call time, mas nauuna pa nga siyang madalas sa mga kasamahan niyang hindi naman bumibida, e!

“Ang problema, kapag nasa set na siya, e, mahirap siyang palabasin sa dressing room. Marami kasi siyang pinapupuntang mga fans and friends niya. Kapag nagsimula na silang magkuwentuhan, ‘yun na!

“Sabihan man siya ng staff na ready na siya for take, e, hindi mo siya mababaklas sa kuwentuhan, talagang nandu’n pa rin siya sa dressing room, nakikipag­halakhakan sa mga kasama niya.

“Hirap na hirap ang production staff, nasasayang kasi ang mahabang oras na dapat, e, gumigiling na ang mga camera. Pero parang walang pakialam si ____(pangalan ng sikat na singer-actress), parang sabik na sabik siya sa pakikipagkuwentuhan,” pagtatapat ng aming impormante.

Pinakiusapan ng production ang female personality na kapag oras ng trabaho ay huwag muna siyang magpapapasok ng mga kaibigan at tagahanga niya sa dressing room.

Muling sultada ng aming source, “Kapag tapos na ang mga sequences niya, okey lang na may mga kasama siya sa dressing room. Kung breaktime, puwede rin, pero kapag trabaho na uli, kailangang magpaalam na ang mga kausap niya.

“Umokey naman siya, pero ang naging problema naman, e, nagtetele-babad ang girl! ‘Yun naman ang pumalit! Hindi siya mabaklas-baklas ng staff sa pakikipag-usap sa phone!

“Buti nga at hindi na siya ganu’n ngayon, kapag oras ng work, trabaho lang siya nang trabaho, wala na siyang pinapupuntang mga fans na palagi niyang kakuwentuhan.

“Madaldal kasi siya, mahilig siyang makipagkuwentuhan, kung gaano siya kadaldal, e, ganu’n din siya kung makapag-post ng emotions niya sa social media, di ba?” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Vice pinatotohanang nakakalungkot sa rurok!

Hindi na bagong kuwento ang pag-atake ng anxiety kay Vice Ganda. ‘Yung natatakot siyang mapag-isa, ‘yung may kailangan siyang kasama sa kuwarto lalo na kapag nagigising siya sa madaling-araw, marami kaming kuwentong alam tungkol sa ganu’n.

Kapag naabot na ng personalidad ang ituktok ng tatsulok ng popularidad ay ganu’n talaga ang nararam­daman niya. May takot na bumubulabog sa kanyang isip, kaya ang pinakamadaling paraan, kailangang maraming taong nakapaligid sa kanya.

Nasa rurok ng tagumpay ngayon si Vice Ganda. Sikat na sikat siya, mayamang-mayaman na, kaya may takot na nararamdaman ang komedyante tungkol sa pagkawala niya sa gitna ng aksiyon.

Kasali ‘yun sa laban, ‘yun ang presyong kailangan niyang pagbayaran bilang pinakasikat na komedyante-TV host ngayon, du’n na pumapasok ang kasabihang “It’s lonely at the top.”

Bakit ba maraming nakapaligid sa isang sikat na personalidad? Bakit ba maraming kaibigang kailangang nagpapatawa sa kanya? Bakit ba kapag dumadalo sa kahit anong selebras­­yon ang isang sikat na artista ay ang dami-daming nakapaikot-nakabuntot sa kanya?

Umaandar na kasi ang anxiety attack. Isang uri ng kalungkutan ‘yun na walang nakakaalam kung saan nagmumula, tanging ang may katawan lang ang nakakaalam, kaya kailangan niyang gamutin.

Pero magaling pa ring magdala si Vice. Naihihiwalay niya ‘yun kapag humaharap na siya sa mga camera. Lagalag pa rin siya, makulit, na parang wala siyang pinagdadaanan nang nakaraang gabi.

Umaatake lang ang ganu’ng emosyon kapag nag-iisa na lang siya, kapag patay na ang mga ilaw ng entablado, kapag tunog na lang ng aircon ang kasama niya.

Masarap na mahirap maging sikat. Hindi man sinasabi ‘yun ni Vice Ganda ay ‘yun ang palaging naglalaro sa kanyang isip.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with