^

PM Sports

UAAP Press Corps Player of the Week

Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi lamang sa pamamagitan ng pag-iskor ang puwedeng gawin para makatulong na manalo ang iyong koponan sa larong volleyball.

Ito ang ipinakita ng University of the East prized libero na si Kath Arado.

Ang fourth year veteran ang pinakamalaking dahilan sa maayos na opensa ng Lady Warriors at mahigpit na floor defense nang ma-upset nila ang University of Santo Tomas.

Sa mahigpit na coverage ni Arado, nakamit ng kanyang koponan ang ikalawang sunod nilang panalo ngayong season na naging dahilan naman upang mahirang siyang UAAP Press Corps Player of the Week .

Nagposte ang 5-foot-4 libero ng 32 excellent receptions at 28 digs nang gapiin ng Lady Warriors ang Tigresses, 25-23, 18-25, 28-26, 26-24 noong Miyerkules sa simula ng kampanya nila sa second round ng elimination.

“Eh No. 1 naman ‘yan eh. No. 1 ‘yan sa UAAP, No. 1 ‘yan sa puso namin,” ani Roque. “Kahit na sa practice nga eh, babalagbag ‘yan. ‘Kath, okay ka lang ba?’ ‘Opo okay pa po ako.’ Pero kita mo ‘yung pain sa mukha niya nandoon kasi bumalagbag na,” ayon pa kay Roque..“Kath, you’re No. 1, you’re the one.” FML

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with