^

PSN Showbiz

Jodi hanggang kuya lang ang trato kay Robin!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Jodi hanggang kuya lang  ang trato kay Robin!

Jodi

Kilala si Robin Padilla na ibigin ng kanyang leading ladies. Halos lahat ng mga nakapareha niya sa pelikula ay hindi nakaiwas ma-fall dahil nga siguro sabi ni Jodi Sta. Maria na kapareha niya sa pinaka-latest sitcom sa ABS-CBN na Sana Dalawa ang Puso na isang gentleman ito. 

“Napaka-charming, intelligent at maasikaso hindi lamang sa mga leading ladies niya kung hindi sa lahat ng babae sa set”, may paghangang nasabi ni Jodi sa kapareha kung kaya binalaan siya ni Robin na mag-ingat. 

Bagaman at may Mariel Rodriguez na ang action star at may anak na sila, hindi nito maiiwasan na maging malingap sa kanyang mga kapareha kahit wala siyang intensyon na mang-akit. Sinabi rin niyang bulag lamang ang lalaking ‘di iibig kay Jodi kaya nilagyan na niya ng boundaries ang kanilang relasyon. 

Sa kabila nito ay isang malutong na “kuya” kung tawagin ni Jodi ang isa sa kanyang dalawang love interest sa series.Hindi naman affected dito si Robin dahil aminado siyang fan nina Jodi at Richard Yap simula pa nung Be Careful with My Heart. Magalang din siya sa tandem ng dalawa kung kaya bago niya tinanggap ang serye ay kinausap pa muna niya si Richard. Ayaw niyang maging kotrabida sa tambalan. Mabilis namang silang nagkaintindihan. Malaki ang paggalang ng tsinitomg aktor sa mas senior sa kanyang artista.

Kung hanga si Robin sa professionalism ng dalawa niyang co-actor, lalo na kay Jodi na sinasabi niyang napakagaling umarte.

Dalawa ang direktor ng SDAP, sina Rory Quintos at Mae Cruz-Alviar. 

Nasa cast din sina Christopher de Leon, Alma Moreno, Buboy Garovillo, Edgar Mortiz, atbp. Gawa ito ng Star Creatives.  

‘Crawford crib’ malapit nang matapos

Hindi dahilan ang ginagawang paghahanda ni Billy Ctawford ng kasal nila ni Coleen Garcia sa taong ito kung kaya palagi itong absent sa It’s Showtime. Kung napapansin n’yo, palaging sabay silang nawawala ni Vice Ganda. Ito ay dahil sa nagti-ta­ping sila ng audition ng Pilipinas Got Ta­lent na nagsimula nang mapanood tuwing Sabado at Linggo ng gabi sa ABS-CBN. Mas gu­manda at kapana-panabik ang gina­gawang audition para sa show. Dahil naging matagal ang pagsalang sa pinakabagong episode, mas nabigyan ng mas matagal na panahon na mapaganda pa ng mga sumasali ang kanilang mga contest pieces. 

Walang tututol kapag sinabi ko na talagang kakaiba at pinaganda ang mga napapanood nating acts. Maganda rin ang kumbinasyon nina Billy Crawford at Toni Gonzaga bilang hosts.

Samantala, wala pang eksaktong petsa ang kasal nina Billy at Coleen, pero sa paghahandang ipinakikita nila ramdam ng lahat na malapit na ito. Nakapag-prenuptial shoot na sila para sa kanilang wedding at patapos na ang bahay nila na tinatawag nilang Crawford Crib. 

Sarah pinaghahandaan na si James

Speaking of Billy, siya ang kapareha ni Sarah Geronimo sa production number niya sa ASAP kahapon. Bagets na bagets ang Pop Royalty at tanggap siya ng manoood sa kanyang pagpapabata ng image bilang paghahanda sa proyekto na gagawin nila ni James Reid. 

Ngayon pa lamang ay marami na ang nag-aabang sa gagawin nilang pagsasama ni James.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with