^

Bansa

P13M para sa Marawi victims nalikom ng House

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakalikom na ang Kamara ng mahigit sa P13 mil­yong pondo para sa mga biktima ng Marawi siege

Ang  fund raising ay sinimulan noong Mayo 28-31 hanggang matapos ang session ng kongreso.

Ayon kay Majority Leader Rodolfo Fariñas na, mayroon ng 200 kongresista ang nagbigay ng donation mula sa kanilang sariling bulsa sa pangu­nguna ni House Speaker Pantaleon Alvarez at iba pang kongresista mula sa P10,000 hanggang P500,000.

Habang nagbigay din sina Isabela Gov. Bojie Dy, Isabela Vice Gov. Tony Pet Albano, Ilocos Sur Governor Ryan Singson at Laoag board member Ria Fariñas.

Ang nasabing halaga umano ay gagawin munang trust fund habang nagtatag pa ng isang committee na siyang ma­ngangasiwa kung paano ipapamahagi ng tama sa bawat pamilyang naapek­tuhan ng bakbakan sa Marawi.

Mayroon naman uma­nong suhestyon si Maguindanao 1st district Rep. Bai Sandra Sema na bigyan na lamang ng tig-P500 ang bawat pamilya para sila na lamang ang bibili ng gusto nilang mga pagkain.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with