^

Bansa

Kalayaan, soberenya irespeto! - Digong

Ellen Fernando, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Kalayaan, soberenya irespeto! - Digong
Nagkapit-kamay ang mga lider ng Association of Southeast Asian Nations sa 30th ASEAN Summit Retreat sa Coconut Palace sa Maynila kahapon. Mula kaliwa: Malaysian Prime Minister Dato Sri Mohd Najib Bin Tun Abdul Razak; State Counsellor for Myanmar Aung San Suu Kyi; Thai Prime Minister General Prayut Chan-o-cha; Vietnam Prime Minister Nguyen Xuan Phuc; Philippine President Rodrigo Roa Duterte; Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong; Brunei Sultan Haji Hassanal Bolkiah; Cambodian Prime Minister Hun Sen; Indonesian President Joko Widodo; at Lao Prime Minister Thongloun Sisoulith.
Krizjohn Rosales

Panawagan sa ASEAN partners

MANILA, Philippines -  Nanawagan kahapon si Pangulong Duterte sa mga member states ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na irespeto ang kanya-kanyang kalayaan at soberenya upang matiyak ang pagkakaroon ng mas matatag at produktibong relasyon ng bawat bansa.

Sa kanyang mensahe sa opening ceremony ng ASEAN Summit sa Phi­lippine International Convention Center (PICC), umapela si Duterte sa mga kapwa lider at mi­yembro ng ASEAN na patuloy na magtulungan para sa pagsusulong ng mas magandang relasyon at katatagan sa rehiyon.

Bagaman hindi direktang tinukoy ng Pangulo ang isyu ng territorial dispute sa South China Sea,  ang sovereignty issue ay mainit pa rin matapos ang patuloy na pagtatayo ng mga istraktura at militarisasyon ng China sa mga pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea o South China Sea. Ilan sa mga member state ng ASEAN ay claimant sa pinag-aawayang mga isla sa SCS.

Sinabi ng Pangulo na ang layunin na mas mapalago ang bawat bansa ay maisusulong kung matututong magrerespetuhan sa kalayaan ng mga bansa at tratuhin ang bawat isa nang pantay-pantay.

Kinalampag din ni Pangulo ang mga kapwa ASEAN leaders kaugnay pamamayagpag ng mga pirata, armed robbery at terorismo sa rehiyon.

Sinabi ng Pangulo, ang pag-atake ng mga pirata at armadong grupo sa karagatan ay matin­ding sagabal sa regional at global commerce.

Anya, seryosong ban­ta rin sa kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan sa rehiyon ang terorismo at violent extremism kaya kailangan ang walang humpay na alerto at pagmamatyag.

vuukle comment

DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with