^

Bansa

Hearing ng Mamasapano pinalilipat sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Hearing ng Mamasapano pinalilipat sa Maynila
Naging emosyonal ang mga pamilya ng SAF 44 matapos bigyan ng parangal ng mga miyembro ng PNP-Special Action Force sa paggunita sa ika-2 taon ng Mamasapano massacre, sa seremonyang ginawa sa Camp Bagong Diwa, Taguig City kahapon.
Edd Gumban

MANILA, Philippines – Iginiit ng Department of Justice (DOJ) na mailipat sa Maynila ang paglilitis sa kaso ng Mamasapano massacre para mabigyan ng proteksiyon ang mga pangunahing testigo sa madugong encounter na nagresulta sa pagkasawi ng 44 miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF). 

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, nagbigay na siya ng direktiba sa state prosecutors na maghain ng motion for the transfer of trial venue mula Cotabato patungo sa Maynila.

Ani Aguirre, mayroong star witness na nagturo sa karamihan sa mga akusado na maaring matakot magbigay ng pahayag sa korte kung sa Mindanao ang pagdinig. 

“Iyan po ay talagang iniingatan. Talagang practically impossible for him to testify in Cotabato, lalong-lalo na sa Maguindanao,” ani Aguirre. 

Idinagdag pa ng kalihim na posibleng mayroon pressure sa judge kaya nanatiling nakabinbin ang kanilang mosyon.

Nabatid na iniutos ni Pangulong Duterte ang pagbuo ng bagong komis­yon na magsasagawa muli ng imbestigasyon upang malaman ang katotohanan kung sino ang responsable sa naganap na trahedya na nagresulta rin ng pagkamatay ng teroristang Malaysian bomb maker na si Zulkifli Bin Hir alyas “Marwan” at ang kanyang Pinoy na kaalyadong si Basit Usman.

PNP-SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with