^

PSN Showbiz

Direk Brillante pumayag nang i-direk si Pres. Duterte

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Tinanggap na ni Brillante Mendoza ang alok ni Martin Andanar na pagdidirek ng SONA ni pangulong Rodrigo Duterte na magaganap sa July 25. Mas may hamon ito kaysa sa mga ginawa niyang pelikula na nanalo ng awards dito at maging sa abroad dahil tatangkain niyang ipakilala sa lahat si DU30 sa kanyang tunay na katauhan - kung paano ito humaharap sa tao at kung ano ang reaksyon nila sa kanya.

Bukod sa pagdidirek ng SONA, humingi ang pangulo ng suggestion sa kanya para mapalago pa ang industriya ng indie films. Kapapanalo lang ni Brillante Mendoza para sa pelikula niyang Taklub ng award na Le Prix Chandrika Charma sa 8th Festival International de Films Pecheurs de Monde (International Film Festival of Fishermen of the World) sa France.

Janine at Elmo nagkakalabuan na?!

Patuloy naman ang buhay kay Janine Gutierrez matapos siyang “iwan” ng nobyong si Elmo Magalona at lumipat ng ABS-CBN kung saan maganda ang itinatakbo ng karera niya. Ang place of work lamang nila ang nag-iba pero ang kanilang relasyon ay pilit nilang itinataguyod laban sa napakaraming demands ng kanilang trabaho at pagnanais ng mga taong nasa likod ng kanilang karera na ibahin ang landas na kanilang tinatahak pagdating sa lovelife. Ito nga ang pilit na sinusubaybayan ng fans and supporters nina Elmo at Janine, lalo na ng binata na pilit ginagawan ng isyu sa bago niyang kaparehang si Janella Salvador. At kung dati ay sinasagot ng buong katapatan ng anak ni Francis Magalona ang pagtatangka na gawing makatotohanan ang relasyon nila ni Janella sa pamamagitan ng pag-amin na taken na siya, at ongoing pa ang relasyon nila ng babaeng iniwan niya sa kalabang istasyon, ngayon ay nag-iiba na ang tono niya at hindi naman siya masisisi dahil kinakailangan ito sa kanyang karera.

Samantala, hindi naman nagpapakita ng anumang reaksyon si Janine sa pagkawala ni Elmo. Dati ay umaamin pa ito at nagsasabing may tiwala siya sa boyfriend, malaking tulong ang kanyang trabaho para hindi siya maapektuhan ng paghihiwalay nila ni Elmo. May bago siyang serye sa GMA na sa ibang bansa din kukunan. May ginagawa rin siyang indie films kung saan ay lumilitaw ang talento niya sa pag-arte. Sa malas ay tinutulungan din siya ng husto ng kanyang Kapuso Network para naman hindi gaanong mainda ang sinapit ng relasyon nila ni Elmo na nalalagay ngayon sa alanganin.

Gerald may ranggo na sa Coast Guard

Ano kaya ang nararamdaman ni Maja Salvador ngayong inaamin na ng ex niyang si Gerald Anderson na mas tumindi pa ang paghanga niya kay Bea Alonzo ngayong magkasama sila sa isang pelikula ng Star Cinema?

Mukhang mas inspired ngayon ang ex ni Kim Chiu sa kanyang buhay dahil sa pagsasama nilang muli ni Bea. Matatandaan na nagkaroon ng pagkakataon na naging sila ng aktres noon.

Samantala, bukod sa kanyang pag-aartista ay kagawad na rin si Gerald ng Philippine Coastguard. May ranggo siyang lieutenant. Matagal din ang inabot ng training ni Gerald sa nasabing organisasyon na may layong tumulong kapag may disaster o kalamidad. May mga trained dogs o canine din silang kasama sa kanilang rescue operations.

JK malamang mawalan ng serye dahil sa PBB

Kasama rin pala si JK Labajo sa bagong serye ng ABS-CBN na The Second Wife. Kasama niya rito sina Enchong Dee at Julia Barretto. Tampok dito sina Bea Alonzo, Gerald Anderson at Iza Calzado.

Kung matutuloy si JK sa Pinoy Big Brother, baka mapalitan siya sa serye na magiging kawalan dahil malaki ito at magbibigay sa kanya ng garantisadong kita. Hindi kaya magkaroon ito ng conflict sa trabaho niya sa istasyon? At binibigyan ba ang artistang kinukuha sa PBB ng tsansa na tumanggi?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with