^

Pang Movies

Feelingerong aktor, pumapatol sa mga mayayamang pa-mhin para may pang-luho!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Na-sight kahapon sa isang beauty parlor ang matabil na model/actor na feeling God’s gift to gays.

Tumaba ang model/actor na nasasaktan kapag pinupuna ng mga tao ang kanyang unwanted pounds.

Iniiwasan ang model/actor dahil sa kanyang kadaldalan as in wala siyang sikreto sa katawan.

Kung nagagawa ng aktor na ikuwento ang mga personal na pangyayari sa kanyang buhay, capable siya na itsismis ang ibang tao.

May reputasyon na pumapatol sa mga bading ang model/actor pero ayaw niya sa mga bulgar na baklita. Weakness ng model/actor ang mga discreet gay na super mega rich na makapagbibigay sa kanya ng mga materyal na bagay at lahat ng mga luho niya sa buhay.

The who?! Enzo naispatan na may sakay na babae sa EDSA!

The who ang mystery girl na pasahero ng expensive sports car ni Enzo Pineda?

Nakita ang dalawa habang binabaybay ng kanilang sasakyan ang kahabaan ng EDSA noong Linggo nang hapon, ilang oras matapos mag-babu sa ere ang Sunday All Stars.

Southbound ang kotse at dahil hindi tinted ang salamin  namukhaan ng mga motorista si Enzo, kahit suot niya ang kanyang shades.

Nabigo ang mga usisero na makilala ang mystery girl pero sure sila na hindi si Louise delos Reyes ang kasama ni Enzo.

Kung hindi ako nag­ka­kamali, may girlfriend na si Enzo pero hindi artista at ma­lamang na siya ang pasahero ng aktor sa takaw-pansin na sports car nito.

Andre napaboran sa pagkatigbak ng Sunday All Stars!

Nalungkot si Andre Paras sa pamamaalam ng Sunday All Stars noong Linggo dahil mami-miss niya ang mga kasamahan sa show na napamahal sa kanya.

Nagkaroon si Andre ng maraming mga kaibigan mula nang maging mainstay siya ng Sunday All Stars.

Malungkot man ang nangyari, okay na rin ito kay Andre dahil nabawasan ang kanyang mga workload. May oras na siya para makapagpahinga tuwing Linggo dahil fully booked ang schedule niya mula Lunes hanggang Sabado.

Dalawang pelikula ng Viva Films ang magkasabay na ginagawa ni Andre, ang Girlfriend for Hire na tinatampukan nila ni Yassi Pressman at ang comedy movie na pinagbibidahan nila ng kanyang fadir na si Benjie Paras at ni Pokwang.

Mabuti na lang, bagets pa si Andre kaya hindi pa ito mabilis  mapagod. Malakas na malakas pa ang  resistensya niya kaya nakakapaglagare pa siya sa mga taping at shooting ng kanyang sangkatutak na projects.

Christian at Mark wala nang show sa GMA

Asking ang fans sa mangyayari sa singing career nina Christian Bautista at Mark Bautista dahil wala na nga ang Sunday All Stars.

Napapanood si Christian sa To The Top bilang host at may bagong musical play si Mark na pagkakaabalahan.

Hindi rin nawawalan si Mark ng mga guesting dahil special performer siya sa coronation night ng Mutya ng Pilipinas noong Linggo.

Kinanta ni Mark ang Ikaw Na Nga, ang hit song ni Willie Revillame at marami ang na-in love sa version niya.

Ang Viva Live ang co-producer ng telecast ng Mutya ng Pilipinas na napanood sa ABS-CBN. Mga beautiful ang Mutya candidates kaya posible na magkaroon ng showbiz career ang ilan sa kanila, sa tulong ng Viva Films.

vuukle comment

ACIRC

ANDRE PARAS

ANG

ANG VIVA LIVE

BENJIE PARAS

ENZO

LINGGO

MGA

MUTYA

SUNDAY ALL STARS

VIVA FILMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with