^

PSN Showbiz

Daniel at Kathryn hindi inaalala ang relihiyon sa kanilang relasyon

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Wala mang direktang pag-amin na nagmumula sa Teen King and Queen na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, obvious na may special na namamagitan sa dalawa. Sa madaling salita – sila na!

Hindi naman tutol ang mga magulang nina Daniel at Kathryn dahil bukod sa nakikita nilang masaya ang dalawa, nagkakatulungan ang mga ito sa kanilang respective careers.

Sa ngayon, hindi issue sa dalawa ang magkaiba nilang relihiyon – Iglesia ni Cristo si Kathryn at Katoliko si Daniel.

Ryzza Mae aktres na aktres na, humihingi ng take 2 kapag hindi masaya sa akting

Sa final presscon ng My Big Bos­sing, inamin ni Bossing (Vic) na kung sa My Little Bossings ay pawang laro lamang ang ginawa ni Ryzza Mae, sa My Big Bossing ay artistang-artista siya at ipinakita niya ang pagiging mahusay niya. Pinakamahirap na role sa ginampanan ni Ryzza Mae ang kanyang pagiging isang sirena. Bukod sa mabigat ang kanyang bun­tot, kailangan niyang mag-aral ng swim­ming at scuba diving sa professional instructor na si Jess Lapid na siya ring underwater cameraman.

“Hindi siya umayaw sa mahihirap at underwater scenes. Excited pa nga, eh,” natatawang pahayag ni Bossing.

“Ang nakakatuwa pa kay Ryzza (Mae), siya pa mismo ang humihingi ng Take 2 sa director kapag hindi siya satisfied sa kanyang ginawang eksena na nagre-re­quire na umiyak siya. Ginawa niya `yan sa Taktak episode ni Direk Marlon (Rivera) at ang Sirena episode ni Direk Joyce (Bernal),” kuwento pa ni Bossing.

Samantala, ang pelikula nila ay magkakaroon ng premiere showing on Monday, December 22 sa ganap na ika-7 ng gabi sa Cinema 10 ng SM Megamall. Inaasahan ang pagdalo ng cast ng pelikula na binubuo nina Bossing Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon, Pauleen Luna, Marian Rivera (kahit ikakasal na kay Dingdong Dantes on December 30), Nikki Gil, Nino Muhlach, Alonzo Muhlach, Zoren Legaspi, Manilyn Reyes, Ruby Rodriguez, Wally Bayola, Jose Manalo, Sef Cadayona, Rafa Siguion-Reynes, Buboy Garovillo, mga Dabarkads ng Eat Bulaga, at iba pang mga kilalang personalidad.

vuukle comment

ALONZO MUHLACH

BOSSING VIC SOTTO

BUBOY GAROVILLO

DANIEL PADILLA

DINGDONG DANTES

DIREK

EAT BULAGA

RYZZA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with