^

PSN Showbiz

Rhian hindi kumakain ng kahit anong may sugar!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naadik sa car racing si Rhian Ramos. Imagine kahit pagod at wala siyang tulog sa taping ng My Destiny, dumidiretso siya sa Subic para magsanay sa pagmamaneho.

Noong una, hindi niya ini-expect na mae-enjoy niya ang pakikipag-karera ng kotse pero naramdaman niya ang kakaibang excitement sa pagda-drive.

At manual ang dina-drive niyang kotse ha.

Nag-start lang ito nang kunin siya ng Toyota para mag-drive ng kanilang sasakyan para sa promo ng isang modelo ng kotse nila.

Natatakot siya sa umpisa lalo na nga’t hindi naman siya marunong mag-drive ng manual, automatic lang. Pero kinarir niya ang diriving lesson kaya ngayon kering-keri na niyang makipagkarera. Hindi na siya natatakot. “Pag kasi nagpa-practice ka lang parang takot ka, pero once na nasa actual racing ka na, iba na ang feeling. Nawawala na lahat ng takot mo,” sabi ni Rhian yesterday sa isang pocket presscon. Minsan na siyang naaksidente. As in wasak ang kotse pero wala namang naiwang trauma sa kanya.

Anyway, kaya pala pagkapayat-payat ni Rhian ay dahil hindi niya kinakain lahat ng may sugar including fruits. At hindi ordinary exercise ang ginagawa niya kundi crossfit. Mas intense ang crossfit sa usual routine ng pagpapaganda at pag-aalaga ng katawan. Kaya naman pag nakita mo si Rhian, parang hindi kumakain sa kapayatan pero bagay sa kanya.

Admitted din siyang si Marc Nelson ang kasama niyang nagco-crossfit dahil feeling niya naman ay perfect ito para ma-guide siya ng tamang training. Ito ang rason kaya sila nail-link dahil after ng work out kumakain sila.

Tuwang-tuwa si Rhian ngayon dahil maganda ang feedback ng My Destiny na napapanood sa Primetime ng GMA 7.

Annabelle Rama ayaw sa ‘BF’ ni Ruffa

Hindi pala boto si Annabelle Rama sa manliligaw ba o boyfriend ni Ruffa Gutierrez na si Jordan Mouyal na nakabase sa Paris. “Gusto ko kay Ruffa  makakuha siya ng matured. ‘Yung kayang mag-support sa kanya, kayang suportahan ang mga anak niya,” walang backle na sabi ng nanay ng mga Gutierrez na si Tita Annabelle kahapon nang makipagtsikahan sa press para ibalita na mapapanood na sa TV5 ang It Takes Gutz to be a Gutierrez starting tomorrow after ng  PBA.

Bukod sa nababataan siya, say niya kamukha ito ng ex hubby ni Yilmaz Bektas. “Kahit nagsalita. Pati pagdadamit. Nakikita ko naman na mabait siya kay Ruffa pero iba pa rin kung matured,” ulit na sabi ni Annabelle na adik sa kanyang apong si Zion.

Kris ‘pinaglaruan’ uli ang wrong spelling ni Ate VI

Hindi kaya nai-imbyerna si Gov. Vilma Santos kay Kris Aquino? Para  kasing pinaglaruan niya ang gobernadora nang mag-double check siya ng spelling na fuchsia sa programa nila ni Tito Boy Abunda.

Tsinallenge siya kasi ni Tito Boy na i-spell ang fuchsia. Dialogue pa ha : “Ang mga sisters ko nanonood ngayon ang they were so worried about my spelling of fuchsia. But you know in my dictionary app.

“Ate Pinky, if you are watching tama ako. Kasi sabi nila na baka mali pero tama ako. It is really fuchsia. Sisters, don’t worry hindi ako napahiya tonight,” sabi niya na hindi mo na kailangang mag-isip na ang pinagmulan noon ay ang wrong spelling ni Gov. Vi sa truly na naging truely sa ibinigay niyang cheer up note na nakalagay sa isang kahon ng ensaymada plus minor grammatical error na dahilan para i-bash si Ate Vi.                                                                                   

 

 

 

 

 

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

ATE PINKY

MY DESTINY

NIYA

RHIAN

RUFFA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with