^

Kutob

Hulyo 4, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Nagtitiwala ako sa pagkakataong laan ng Dios para sa mga pangarap ko.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) –  Huwag mag-init ang ulo o maging emosyonal dahil tatambakan ka ng trabaho. Ngayon maipapakita ang kahusayan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 13, 31 at tangerine.

VIRGO (Agosto 23-Set­yembre 23) –  Kahit masakit sa kalooban, mapag­lalabanan ng sarili ang gustong bilhin na bagay dahil sa kakapusan ng pera. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 33, 42 at yellow.

LIBRA (Setyembre  24-Oktubre 23) – Nababagay ang pakikisa­lamuhang sosyal. Huwag paalpasin kung may paanyayang matatanggap. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 37, 38 at maroon.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Iwasan na mag-init ang ulo at maging mahinahon dahil puno ng kamandag at magi­ging mabagsik ang buntot ng Scorpio. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 33, 40 at scarlet.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Huwag ipagwalang-bahala ang responsibilidad na nakaatang sa balikat. Harapin ito ng buong tatag. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 17, 37 at aquamarine.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Ang gawain na hindi nagawa o napapansin noon ay may panahon na matapos ngayon. Magiging malakas ang magneto ng pakikipagsapalaran. Lucky numbers at color for the day ay 2, 8, 12, 27 at beige.

AQUARIUS (Enero 20-Peb­rero 18) – May gantimpalang naka-antabay sa pagbibigay ng tulong sa tamang taong mapagbibigyan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 28, 38 at dollar green.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Ang pakikiisa sa tahanan maging sa mga kasamahan ay tawag ng panahon at pagkakataon. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 33, 42 at white.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Magiging masuwerte sa anumang uri ng negosyo kung sisimulan ngayon. Malakas at malaki ang kikitain kung freelancer. Lucky numbers at color for the day ay 9, 10, 24, 37 at blue sapphire.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Magpakahinahon, timbangin at pag-isipan ng mabuti bago magsalita o humatol para maiwasan ang magkamali. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 16, 33 at pink.

GEMINI (Mayo 21- Hun­yo 21) – Iwasan ang hindi inaasahang panauhin dahil may dalang tsismis o balita na makapagpapainit ng ulo o may kailangang bagay na hindi ka­yang paunlakan o ibigay. Lucky numbers at color for the day ay 16, 18, 29, 39 at jade green.

CANCER (Hunyo 22- Hul­yo 22) – Kailangan ang disiplina sa sarili dahil magiging mainit sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 32, 42 at ocean blue.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

HUWAG

LUCKY

NUMBERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with