Kaye, naging magastos na!

Enero noong isang taon nang nakumpirma ni Kaye Abad na mayroon siyang breast cancer. Pagkatapos ng mahigit isang taong pagpapagamot ay cancer-free na ang aktres.
Dahil sa mga pinagdaanan ay mayroong mga natutunan si Kaye sa kanyang personal na buhay. “Treasure life, life is short. Totoo pala talaga ‘yon. Like I was just a normal girl na nasa Cebu, have kids, very happy, very content biglang isang ganyan nagpa-check because of my gallbladder. And then ‘yon na ‘yun diagnosed, dire-diretso na. You have cancer.
“Sabi ko gano’n kabilis. Treasure your time with your kids, with your family. Kung kayang to forgive ‘yung mga taong nagkasalang mga kaaway, huwag nang magbuhos ng bad energy kung may nakaaway. Just forget, enjoy life. And huwag mag-take advantage sa katawan. Number one, your health,” makahulugang pahayag ni Kaye sa YouTube channel ni Karmina Constantino na KC After Hours.
Dalawang lalaki ang anak nina Kaye at Paul Jake Castillo. Sinisikap na umano ng aktres ngayon na palaging makasama sina Pio Joaquin at Iñigo Leon.
Magsisiyam na taong gulang na ang panganay at limang taong gulang naman ang bunsong anak ng mag-asawa. “’Pag magpe-perform sila sa school, naiiyak ako. Kasi naiisip ko, this might be the time I will see them perform. Naiiyak ako, kasi what if this is the last time. I don’t know. ’Pag may gusto sila kahit hindi ako mahilig mag-outdoor, kahit mainit, ‘pag may soccer, sige, sama si mommy. I will watch kasi, ‘Mommy, why don’t you watch? My other classmates, their mommies are there.’ Sabi ko, ‘Sige, mommy will watch.’ Kahit bawal akong mainitan. I will watch.
“‘Yung sabi nga nila i-cherish mo na ‘yan habang bata pa, habang they still want to be with you. I-cherish mo na gusto nila na nando’n ka. So, i-cherish na ‘yon. Kaya kapag may mga offer na serye, hindi na muna siguro. Kasi bata pa ‘yung youngest, I want to be with him while growing. Kapag matanda na siya and nandiyan pa ‘yung industry for me, why not? I will still go back,” pagdedetalye niya.
Maging sa paghawak ng pera ay nagkaroon ng pagbabago sa misis ni Paul Jake. Binibili na raw ni Kaye ngayon ang mga bagay na makapagpapasaya sa sarili at sa pamilya. “Kuripot kasi ako pero ngayon parang naisip ko. Paano konti na lang ‘yung days na nandito ako? So now kapag may gusto ako, if I really like it, ‘yung mother in law ko nga nagagalit. ‘Bakit hindi ka bumili?’ ‘Kasi mom sini-save ko siya in case of emergency.’ ‘Anong emergency ‘yung pinaglalaanan mo?
“If you want it, you worked hard for it then buy it.’ Sabi ko, so ngayon, sige gusto ko naman pero ‘yung mga worth it bilhin. ‘Yung tipong timeless, hindi ‘yung uso lang. So medyo gumagastos na ako ng konti ngayon,” pagtatapat ng aktres. — Reports from JCC
- Latest

























