Cone tiwalang makababalik si Brownlee
MANILA, Philippines — Tiwala pa rin si Barangay Ginebra head coach Tim Cone na makababalik sa aksyon ang regular import nitong si Justin Brownlee sa PBA Season 50 Governors’ Cup.
Nagpapagaling pa si Brownlee sa Amerika dahil sa problema nito sa kanyang puso.
Dahil dito, hindi nakapaglaro si Brownlee sa FIBA World Cup Asian Qualifiers gayundin sa Asian Games na ginanap sa Nagoya, Japan.
Sa kabila nito, umaasa si Cone na makababalik pa sa paglalaro si Brownlee sa kumperensiyang ito ng PBA.
Hindi lang sa PBA kundi sa nakatakdang window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Nobyembre.
“I don’t want to put any finality on Justin. He’s still battling. There is some hope he might come at the end of the month. At least just to come. He’s still very much part of Gilas as well as a part of Ginebra,” ani Cone.
Gayunpaman, wala pa itong kalinawan dahil kailangan pa ni Brownlee ng medical clearance para makapaglaro na ito.
Maliban sa heart problem, may iniinda rin itong hamstring at knee injuries.
Habang wala si Brownlee, umaasa ang Ginebra kay Jordan Murphy na kasalukuyang import ng team.
- Latest
















