Andrea, naghubo’t hubad sa Halloween!

Pinagpipistahan ngayon sa social media ang pasabog at super daring na Halloween costume sa katatapos lamang na star-studded Shake, Rattle & Ball 2026 na inorganisa ni Tim Yap. May temang LUCID: Dreams and Nightmares, ginanap ang nasabing ball last Saturday, Oct. 31.
Ang daming na-shock nang rumampa si Andrea Brillantes sa venue suot ang isang halos hubad na illusion costume na tila diyaryo lamang ang tumatakip sa kanyang maseselang bahagi ng katawan.
Paliwanag niya, “dream-to-nightmare” ang theme ng kanyang costume kung saan tanging newspaper clippings tungkol sa kanya ang nakadikit sa maseselang bahagi ng katawan niya.
Pero ilusyon lang naman ang pagiging hubo’t hubad ng aktres at sey niya prosthetics lang daw ito kaya huwag daw masyadong kabahan ang audience.
Dahil sa kanyang bonggang entrance at kakaibang Halloween concept, nagwagi si Andrea bilang “Best Undressed” at naiuwi ang isang vacation prize for two sa Maldives.
Hindi naman nagpahuli si Heart Evangelista na dumalo rin sa nasabing Halloween event.
Sa post ng official Instagram page ng Shake, Rattle & Ball ay makikita ang costume ni Heart na sa halip na conventional Halloween costume, mas pinili niyang isang fitted white gown na may intricate beading at eleganteng silhouette ang kanyang attire.
Pero ang pinaka-head-turning detail ng kanyang costume ay ang dramatic knife-adorned design sa likod ng gown, na may kasamang red accents na nagbigay ng spooky at edgy Halloween aesthetic.
Samantala, nagpakitang-gilas din si Alden Richards sa kanyang warrior angel-inspired costume sa naturang event.
Suot ng aktor ang isang white ensemble na may ornate gold armor at matching accessories, na nagbigay sa kanya ng regal at powerful appearance.
Mistulang isang heavenly warrior ang dating ni Alden, na may kombinasyon ng angelic elegance at heroic character.
Kapansin-pansin din ang detalye ng kanyang costume, na nagdagdag ng kakaibang dating sa kanyang Halloween transformation.
Ang iba pang celebrities na dumalo suot ang kanilang bonggang Halloween costume ay sina Inigo Pascual, Jayda Avanzado, Niana Guerrero, Ahtisa Manalo at marami pang iba
Daddy ni Donny, ‘di affected sa panaginip ng Baby Dolls
Nag-react na rin ang ama ni Donny Pangilinan na si Anthony Pangilinan kaugnay ng kontrobersiyang kinasangkutan ng anak sa Baby Dolls member na si Juby Sabino.
Sa Instagram Story ni Anthony ay ipinahayag niyang hindi niya pinaniniwalaang sinadya ng guest na maka-offend. Gayunpaman, binigyang-diin niya na sana ay naging mas responsable ang paghawak sa sitwasyon at mas naging sensitibo sa ilang manonood partikular na ang ina ni Donny na si Maricel Laxa.
“Di naman ata sinadyang maka-offend yung guest. Siguro lang next time, yung handling of the comment, like yung follow up question and edit could be more responsible and sensitive to certain audiences, like to Maricel as a mom,” pahayag ng ama ni Donny.
“Hopefully, as Donny said, a learning experience for all, new and seasoned in the industry,” saad pa ni Anthony.
Matatandaang nag-ugat ang issue nang mag-guest sa Gandang Gabi Vice kamakailan ang Baby Dolls kung saan ay sinabi ng isa sa miyembro na si Juby na napanaginipan niya si Donny.
Hindi nagustuhan ng fans ng aktor ang mga pahayag ng Baby Dolls member kaya naman katakut-takot na bashing ang natanggap nito.
Nakunan na rin ng reaksyon si Donny tungkol dito at sinabi niyang hindi naman siya na-offend at alam niyang wala namang intensyong masama si Juby sa sinabi nito. “I know this is one of their first interviews, it’s a learning experience for everyone, but ako, you know, I wish them all the best,” sey ng aktor.
- Latest






















