^

Probinsiya

Convenience store, nilooban sa Laguna

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

LUMBAN, LAGUNA, Philippines — Pinasok at hinoldap ng dalawang armadong kalalakihan ang convenience store sa Brgy. Pri­mera, Lumban Laguna, kamakalawa.

Base sa report, alas-3 ng madaling araw nang pasukin ng dalawang armadong kalalakihan ang convenience store sa nasabing lugar.

Dumating umano ang mga suspek at pagkapasok sa loob ng establisimyento, agad na nagdeklara ng hold-up.

Tinutukan ng mga baril at patalim ang 2 store crew ng store na kinilala sa mga alyas na “Mark” at “Chariz” bago kinuha ang lahat ng pera ng cashier box.

Natangay ng mga suspek ang cash na nagkakahalaga ng P16,000.00 bago mabilis na tumakas. Kapwa nakasuot ng jacket ang mga suspek.

Kasalukuyan nang nagsasagawa mg manhunt operation ang Lumban police laban sa mga suspek. Namukhaan naman ang mga ito batay sa kuha ng Cctv ng nasabing establisimyento.

LUMBAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with