River at Xyriel, may ‘tension’

May entry ang tambalan nina River Joseph at Xyriel Manabat sa gaganaping CinePanalo Film Festival 2026 entitled Stuck On You.
May landi ang tambalan nila base sa trailer ng pelikula na kabilang sa seven entries sa full length category ng CinePanalo.
At parang mas intimate rin dahil may bathtub scene na parang may minamasahe si Xyriel.
Ramdam ang ‘sexual tension’ sa mga nasabing eksena na pasilip pa lang sa pelikula na dinirek ni Mikko Baldoza.
Nagkasama ang dalawa sa Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother.
“Masaya, kasi mga mina-manifest lang namin ito sa loob ng Bahay ni Kuya noon,” say ni Xyriel sa ginanap na mediacon ng CinePanalo.
“Lagi naming sinasabi na sana magkatrabaho kaming dalawa. Hindi namin alam na magiging ganito kabilis,” sagot naman kaagad ni River.
Rebelasyon pa ni Xyriel, nung nakita raw niya ang pangalan ni River sa cast, ang bilis daw ng yes niya, sabay tawa nito.
Ganundin daw si River, “Yes agad, no questions asked!”
Kaya naman pagdating sa shooting, chill lang daw sila, nagtutulungan, light as in magaan.
Mature in a way aniya ang pelikula.
“Sa pagka-delulu ng character ko, parang mature na rin. Pero depende kasi kung paano niyo ita-translate ang character ko,” dagdag na paliwanag ni Xyriel.
Sabi pa niya: “Delusional kasi ako sa movie, at characteristic naman ng isang babae na immature ‘yon minsan, na may nagagawa tayong ganun pagdating sa pag-ibig.”
At ang papuri ng young actress sa katambal, hindi siya sensitive, open daw ito sa improvement at guidance.
Pero proud daw siya na natural ang kahusayan nito at ‘yung humility talaga na matuto na aniya ay hindi lahat ng baguhan ay ganun ang attitude.
“Ang daming acting tips sa akin ni Xyriel. Ino-observe ko lang siya, ang dami ko nang natutunan sa kanya. ‘Yung professionalism niya, ‘yung energy na dinadala niya, kung paano niya i-treat ang mga crew, parang it’s such a healthy environment,” pagbabahagi River.
Samantala, ang Puregold CinePanalo Film Festival ay gaganapin mula Setyembre 23 hanggang Oktubre 4 sa Gateway Cineplex 18, TriNoma, Fairview Terraces, Ayala Malls Feliz, Ayala Malls Circuit, Ayala Malls Manila Bay at Market! Market!
Ang presyo ng tiket ay ?250 para sa regular at ?200 para sa may diskwento, habang ang ?2,000 festival pass ay nagbibigay-daan sa mga manonood na mapanood ang buong lineup ng mga pelikula.
Ang mga PWD, senior citizen, estudyante, national athlete, at mga may hawak ng Aling Puring at Perks card ay kwalipikado para sa mga tiket na may diskwento.
Mabibili ang mga festival pass sa Gateway Cineplex 18 simula Setyembre 22, at sa TriNoma naman simula Setyembre 23.
- Latest





















