^

Police Metro

Marcos walang planong mag-resign - Malacañang

Gemma Garcia - Pang-masa
Marcos walang planong mag-resign - Malacañang
President Ferdinand Marcos Jr. speaks in this undated photo.
Office of the Press Secretary

MANILA, Philippines — Iginiit ng Malacañang na walang plano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magbitiw sa kanyang puwesto.

Ito ang inihayag ni Palace Press Officer Claire Castro kasunod nang pahayag mula sa kampo ni Vice President Sara Duterte na nakahanda siyang humalili sa pagkapangulo.

Ayon kay Castro na patuloy ginagampanan ni Marcos ang kanyang tungkulin at nagtatrabaho para sa bansa at mga Pilipino.

Sinabi pa ni Castro na “wish” lang nila yun dahil tumutupad ang pangulo sa kanyang tungkulin at nagtatrabaho para sa bayan, sa bansa at sa taumbayan.

“So kung wish nila na magre-resign ang Pa­ngulo, I’m sorry,” giit pa ni Castro.

Sinagot din ni Castro ang akusasyon ng kampo ni Duterte na ang mga senador, police officials, at iba pang nasa gob­yerno ay kontrolado ng Malacañang kaugnay sa impeachment case.

Tumutupad lang aniya ang mga ahensiya ng gob­yerno sa kanilang mga mandato at kailangang tugunan ni Duterte ang mga isyu at reklamo na ibinabato sa kanya sa halip na akusahan ang gobyerno ng persecution.

FERDINAND MARCOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with