^

Metro

Training center, salon pinadlock ng DMW

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Front ng illegal recruitment

MANILA, Philippines — Ikinandado kahapon ng Department of Migrant Workers (DMW) ang isang training center at beauty salon sa Cavite nang matuklasang gina­gamit bilang front ng illegal recruitment.

Ang pagpa-padlock sa Jef & Eds Learning Center at VMJ Beauty Salon ay pinangunahan ni DMW Assistant Secretary Jerome A. Alcantara, katuwang ang lokal na pamahalaan ng Imus, Cavite at Imus Police Station, dakong alas-11:00 ng tanghali kahapon.

“Nandito tayo ­ngayon sa bisa ng kapangyarihan ng DMW sa pamamagitan ng RA 11641 na nagbigay sa amin ng mandato at sa direktiba rin ng Pangulo Bongbong Marcos Jr. at Secretary Hans Leo Cacdac na paigtingin ang kampanya natin laban sa illegal recruitment at human trafficking,” ayon kay Alcantara.

Nauna rito, nakatanggap ang DMW-Migrant Workers Protection Bureau (MWPB) sa pangu­nguna ni Director Geraldine Mendez, ng request mula sa National Bureau of Investigation (NBI)-Cavite North District, para imbestigahan ang dalawang establisimyento dahil sa sumbong na ginagamit itong front ng illegal recruitment.

Tatlong beses na nagkasa ng surveillance operation ang mga ope­ratiba ng MWPB noong Hunyo 5 at 11 at Hulyo 1 at nang magpositibo ang VMJ Beauty Salon sa paniningil ng P15,000 sa mga aplikante para umano sa kanilang training sa hairsty­ling at spa at pag-refer sa mga trainee sa kontak na recruitment agency para makapagtrabaho sila sa Saudi Arabia na may buwanang suweldo na P35,000. Kaugnay nito, tiniyak naman ng DMW na ang mga may-ari ng mga natu­rang establisimyento ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8042.

DMW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with