^

PM Sports

Tatapusin na ng Lady Bulldogs

Nilda Moreno - Pang-masa
Tatapusin na ng Lady Bulldogs
Hinatawan ni Em Banagua ng UST ang NU players sa Game 1 ng UAAP Finals.
UAAP photo

MANILA, Philippines — Malaki ang posibilidad na hindi makalaro ang pambato ng University of Santo Tomas Golden Tigresses na si Angge Poyos kontra National University Lady Bulldogs sa Game 2 ng kanilang best-of-three UAAP Season 86 wo­men’s volleyball tournament finals na lalaruin sa sa Mall of Asia Arena sa Pasay City ngayong araw.

Kaya sinabihan ni UST head coach Kung Fu Reyes ang kanyang mga bataan na magtulungan upang makuha ang panalo at makahirit ng do-or-die Game 3.

Magsisimula ang paluan sa alas-4 ng hapon. 

“Ang sabi ko sa kanila, we are not asking for one person to match the output of Angge. We all need to help each other,” ani Reyes. “May ibang players na puwedeng humalili sa wing spiker position, but we need to help each other to win,”

Nagkaroon ng injury si Poyos noong Sabado sa talo nila sa Game 1 laban sa Lady Bulldogs via three sets.

Masama ang landing ni Poyos dahil natapakan nito ang paa ng kakampi niyang si Em Banagua kung saan ay tabla ang iskor sa 11-all sa set 2, hindi na siya nakabalik sa laro at sinamantala na ito ng last year’s runner-up National University.

Kailangan magdoble kayod sina UST volleybelles Jonna Chris Perdido at Regina Grace Jurado na mga kumana ng 17 at 10 mar­kers, ayon sa pagkakasunod sa Game 1 laban sa NU.

Naniniwala naman si former Golden Tigresses star player Eya Laure na kayang manalo ng UST sakaling hindi makalaro si Poyos.

“Alam ko naman na ilalaban nila ‘yun ng UST kasi hindi lang naman si Poyos ang dahilan kung bakit sila nasa finals ngayon.” ani Laure, “Nasa finals sila kasi teamwork ang ginawa nila at hindi biro ‘yun na young team sila na nakarating sa finals agad,”

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with