^

Pang Movies

Anak ni Sunshine, pasado sa dalawang unibersidad!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Proud na proud si Sunshine Cruz sa kanyang anak na si Chesca Montano dahil isipin ninyo dalawang entrance exams ang kanyang kinuha pareho siyang tanggap sa La Salle at Ateneo.

Para kay Sunshine na naniniwalang kailangan ang magandang edukasyon para sa kanyang mga anak talagang matutuwa siya sa ganyang sitwasyon na makakapili na kung saan niya gustong mag-aral dahil tanggap siya sa dalawang gusto niyang pasukan.

Ibig sabihin matalino ang bata.

Catriona, binura na ang proposal ni Sam!

Kung kailan pinapalutang nila ang publisidad na mukhang nagkakasundong muli sina Catriona Gray at Sam Milby, saka may naglalabas pa ng ispekulasyon na “tuloy ang kasal” at saka naman daw dinelete ni Catriona ang engagement photos nila ni Sam sa kanyang social media account na ibig sabihin balewala na iyon.

So ano ba talaga?

Ang tatanda na nila.

Ba’t parang misteryo ang kanilang lovelife na ginagamit naman sa social media.

Wala na ba talagang mas malaking isyu?

Tonyboy, mas priority ang negosyo kesa kay Gretchen

Maraming nagtatanong kung bakit daw hindi masyadong visible si Tonyboy Cojuangco sa mga mahahalagang nangyayari sa kanilang pamilya. May mga pagkakataon pa ngang hindi siya kasama ni Gretchen Barretto sa mga panahong inaasahang makikita silang dalawa.

Nagkaroon tuloy ng ispekulasyon na baka may problema sila sa kanilang pagsasama.

Iyon pala nagkaroon lamang ng problema si Tonyboy sa Okada na alam naman nating kasosyo siya.

Matatandaang nagpunta pa sa Pilipinas si Kazuo Okada para ayusin ang problema nila.

Ngayon naayos na raw ang lahat ng problema kaya siguro magiging visible na ulit si Tonyboy.

Awra, may pinagdaanan nung nakipagrambulan

Ngayon, aminado na si Awra Briguela na wala siya sa ayos noong makipag-away siya sa isang bar sa Makati.

Ang sagutang iyon ay nauwi pa sa bakbakan kaya si Awra ay nakulong pa noon at habang siya ay nasa presinto inaaway pa niya ang mga pulis doon mismo. Kaya sinampahan din siya ng kaso ng mga pulis na nagpunta lang naman sa kaguluhan para awatin sila.

Kung noon ang akala natin ay lasing lang si Awra kaya ganoon, ngayon inaamin niyang bukod sa lasing ay mayroon siyang pi­nagdaraanan noon.

Pero hindi pwedeng gawing dahilan ang “may pinagdaraanan lang ako noon.”

Tama ba iyon?

Vilma at Lucky, inuna ni Boy

May nagtatanong lang sa amin. Bakit daw kaya sina Ate Vi at Lucky ang naisip ni Boy Abunda na i-feature sa kanyang talk series tungkol sa mag-nanay?

Dahil ba sa nakita niyang mahusay na pagpapalaki ni Ate Vi sa kanyang mga anak kaya nasa ayos ang buhay ng mga iyon?

Basta maayos ang pagpapalaki ng magulang sa mga anak, magiging maganda rin ang buhay ng mga iyon.

Hindi naman maikakaila na iyon ang isang title na hindi nila kayang talunin si Ate Vi -– siya ay isang “ideal mother” na higit na mahalaga sa kahit na anong title at anong award. 

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with