^

Pang Movies

Solenn, awang-awa na sa Pilipinas

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Solenn, awang-awa na sa Pilipinas
Solenn

Na-share ni Solenn Heussaff ang nararamdaman sa nangyayari sa ating bansa lalo na at malapit na ang Holiday seasons. At lalo na nag-i-enjoy ang mga Pilipino sa panahon ng Kapaskuhan.

“Yes, it’s October and my Christmas decorations are already up. Very Filipino of me, I know! A special thank you to @designerblooms for setting up this beauty with the main theme of course being Filipiniana.

“There’s something about a lit-up Christmas tree that brings me peace and comfort. Maybe it’s also the feeling of another year coming to an end, a reminder to slow down and breathe.

“But amidst all the celebrations, I can’t help but feel sadness for our country. Kawawa talaga ang Pilipinas. So much finger-pointing and noise, while the real needs of our people are pushed aside.”

Tinapos ni Solenn ang kanyang post sa papuri sa mga Pilipino. “Filipinos have always been resilent, finding reasons to smile even through the hardest times. But resilience shouldn’t mean accepting things as they are.”

Samantala, kabilang si Solenn sa 15 Filipinos na nagkaroon at sumali sa katatapos na Paris Art Week na ginanap sa France. Ang DF Art Agency at Galerie D’ Antoine sa tulong ng FOCUS Asia Contemporary Art ang nasa likod ng exhibition ng 15 Filipino artists.

Hindi makapaniwala si Solenn na makakapag-exhibit siya sa Paris. Bahagi ng post nito, “My piece Tangled Sanctuary. Is an abstract, overgrown landscape with a central pathway that draws you inward, almost inviting you to get lost in it. Tangled Sanctuary is a reminder that we don’t always need to escape the chaos to find our refuge. Sometimes, our sanctuary exist right in the middle of it.”

MikBie, kinakikiligan

Ginawang loveteam ng fans sina Mikee Quintos at Robbie Jaworski sa loob ng Bahay ni Kuya dahil kinakitaan ng chemistry ang dalawa. Hindi mapigilan ng fans na kiligin kapag magkatabi sina Mikee at Robbie at ang nakakatuwa pa, nag-sorry sa GF ni Robbie na si Magui Ford ang mga kinikilig na fans.

Sabi pa ng MikBie shippers, harmless shipping ang kanilang ginagawa dahil alam nilang taken na si Robbie. Hanggang nasa loob ng Bahay ni Kuya lang daw ang kanilang pagiging shippers.

Kaya lang ang iba, ayaw papigil, this early, nanghihingi na sila ng project for Mikee and Robbie kapag natapos na ang Pinoy Big Brother (PBB) Collab 3.0. Sayang daw kasi ang chemistry ng dalawa kung hanggang PBB lang.

Isa pang kinakikiligan ng MikBie shippers ay ang nakwento ni Mikee na she was named after Robbie’s mom na si Mikee Cojuangco. Destiny raw ito. Ang iba naman, dinededma na older si Mikee kay Robbie ng two years. Mikee is 28 years old and Robbie is 26 and turning 27 on January. May magka-loveteam daw na older ang babae sa lalake and it works.

Subaybayan natin kung hanggang saan ang tatakbuhin ng MikBie loveteam nina Mikee at Robbie.

Sixto, mahusay na artist na rin

Naka-post sa Instagram ni Marian Rivera ang painting ng anak na si Sixto Dantes at makikitang maganda ang painting ng bunso nina Marian at Dingdong Dantes. Water color yata ang medium na ginamit ni Sixto at malinaw na kahoy at ang hayop na bida sa painting ng bata.

Comment ng fans, “Sixto is truly an artist!” “Wow Sixto Dantes is a gifted artist. Hope he develops that pa,” at “Siya nakamana sa talent ni Marian.”

Totoo ito, nagpi-paint din si Marian, hindi lang niya pinu-pursue o wala na rin siyang time to paint. Nakakatuwa na parehong talented sina Sixto at ang ate niyang si Zia Dantes. Si Zia nga, pinagsasabay ang sports at hilig sa musika.

SOLENN HEUSSAFF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with