Anak patay sa 75-anyos tatay
Binurdahan ng ice pick
MANILA, Philippines — Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang 40-anyos na lalaki nang siya ay saksakin ng ice pick ng kanyang 75-anyos na tatay nang magkaroon sila nang mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Purok-9, Brgy. Labnig, Malinao, Albay, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang nasawing anak na si alyas “Yang,” construction worker na nagtamo ng mga saksak ng ice pick sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Sumuko naman sa mga rumespondeng pulis ang tatay na suspek na si Lito, vulcanizer at isinuko ang ice pick na ginamit sa pananaksak.
Bago naganap ang krimen, ala-1:15 ng hapon sa hindi pa malamang dahilan ay nagkaroon nang mainit na pagtatalo ang mag-ama.
Sa gitna nang pagtatalo ay bumunot ng ice pick ang anak at tinangkang saksakin ang tatay.
Gayunman, naagaw ng tatay ang ice pick at ilang beses na pinagsasaksak ang anak na duguang humandusay sa loob ng kanilang bahay.
Nahaharap sa kasong parricide ang nakakulong ng tatay.
- Latest




















