^

Pang Movies

Kris, may dalawang organ na inaatake!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kris, may dalawang organ na inaatake!
Joshua at Kris Aquino

Muling nagbahagi si Kris Aquino ng update sa kanyang kalusugan at mensahe para sa panganay niyang anak na si Joshua Aquino sa pinagdaanan nitong matinding kontrobersiya nitong mga nakaraang araw.

Sa kanyang latest Instagram post, unang nagpahayag ng pasasalamat si Kris sa pamilya Binay, partikular sa kanyang close friend na si Anne Binay, sa pagmamahal at pag-aalaga kay Josh sa panahong hindi maganda ang kanyang kalagayan.

Ayon kay Kris, nagiging tahanan din ni Josh ang bahay ng mga Binay tuwing hindi niya kayang alagaan nang personal ang kanyang anak dahil sa kanyang health condition.

“Kuya, pareho tayong nakagat ng insect sa mata. Thank you to your other family the Binays especially one of my closest & dearest friends @annebinay. When my health isn’t okay, their home becomes your home,” simula ni Kris.

Kasunod nito, nagbigay siya ng message of encouragement para kay Josh, na naging sentro ng kontrobersiya matapos ang umano’y pambubully na naranasan nito mula sa mga podcaster ng Machong Tsismisan.

Pinaalala niya sa kanyang anak na hindi ito nag-iisa at marami ang nagpahayag ng suporta at pagmamahal para sa kanya sa gitna ng isyu.

“Whenever you’re sad, remember that for a few days 98% of the (PH flag) stood with you? We have been so blessed,” mensahe ni Kris kay Kuya Josh.

Samantala, naging bukas din ang Queen of All Media tungkol sa kasalukuyang estado ng kanyang kalusugan. Ayon sa aktres at TV host, may dalawa siyang major organs na nangangailangan ng mas masusing medical attention. “I made a promise, I will stay honest but I will always have faith and I won’t give up. Two of my major organs are needing more attention because prevention is always the best course of action,” pahayag niya.

“But this woman born on the day of hearts has two autoimmune diseases that can just attack out of nowhere,” patuloy niya.

Sa kabila ng mga hamon sa kanyang kalusugan, nananatiling determinado si Kris na harapin ang kanyang pinagdaraanan at patuloy na kumapit sa kanyang pananampalataya.

Hindi rin niya nakalimutan na pasalamatan ang kanyang supporters at prayer warriors na patuloy na nag-aalay ng panalangin at nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob.

Aniya, ipinauubaya na lamang niya sa Diyos ang lahat ng mangyayari, hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para rin sa kanyang dalawang anak.

Sa pagtatapos ng kanyang post, ibinahagi ni Kris ang mahahalagang aral na natutuhan niya sa limang taon ng pakikipaglaban sa kanyang mga karamdaman. “We are all tested, we all have trials but God loves us. For as long as we remember that, our hearts can remain peaceful. Contentment and gratitude – that’s what my heart has learned to embrace in these five years,” pahayag niya.

 

 

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with