Quarters berth pakay ni Eala kay Gibson
MANILA, Philippines — Puntirya ni Pinay tennis ace Alex Eala ang quarterfinals berth sa pagsagupa kay Talia Gibson ng Australia sa kanilang Round of 16 match sa 2026 Toray Pan Pacific Open ngayong araw sa Tokyo, Japan.
Dalawang beses pinadapa ng 21-anyos na si Eala ang 22-anyos na si Gibson sa kanilang dalawang pagkikita noong 2023 sa ITF tournaments.
Tinalo ng World No. 19 na si Eala ang No. 38 na si Gibson sa W25 Palma del Rio, 6-3, 6-1, sa Spain at maging sa W25 Aldershot, 4-6, 6-4, 6-3, sa England sa ITF noong 2023.
Umabante si Eala sa Round of 16 matapos sibakin ang 17-anyos na si Mika Stojsavljevic, 6-1, 6-2.
Pinatalsik naman ni Gibson ang kababayang si Daria Kasatkina, 6-0, 7-5, papasok sa Round of 16.
Sakaling manalo kay Gibson ay posibleng muling makakasagupa ni Eala si Russian Diana Shnaider.
Natalo si Eala kay Shnaider, 5-7, 4-6, sa Round of 16 ng Ningbo Open sa China.
- Latest















